‘Mga kaso ng hostage taker sa San Juan, madadagdagan pa’ – Sinas
- Published on March 5, 2020
- by @peoplesbalita
MASUSUNDAN pa ang mga kaso laban sa Green Hills hostage taker na si Alchie Paray.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas sa panayam ng Bombo Radyo, illegal possession of firearms at explosives ang inisyal nilang isinampa, habang maghahain ng bukod na reklamo ang mga naging hostage nito.
Layunin ng hakbang na huwag tularan ang ginawa ng suspek para hindi malagay sa panganib ang mga inosenteng biktima.
Gayunman, iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga hinaing ni Paray sa kanyang employer at security agency nito.
“Initial pa lang pong mga kaso ang ginawa natin. Bukod naman yung sa mga hinostage,” wika ni Sinas. (Daris Jose)
-
Ukrainian tennis player Elina Svitolina tigil muna sa paglalaro para tulungan ang mga mamamayan
TUMIGIL muna sa paglalaro si Ukrainian tennis player Elina Svitolina para tutukan ang pagtulong sa mga mamamayan na naiipit sa pananakop ng Russia. Patuloy ang ginagawa nitong pangangalap ng pondo at pagbibigay ng impormasyon sa kinakaharap ng kaniyang bansa. Mabigat aniya sa loob nito dahil sa kabilang ang pamilya nito na […]
-
PBBM, tiniyak ang kahandaan ng gobyerno kay ‘Enteng,’ nangako ng napapanahong public advisories
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na handa ang gobyerno at mahigpit na binabantayan ang situwasyon sa ‘ground’ habang nananalasa ang Tropical Storm Enteng (international name Yagi) na nagpabaha sa ilang bahagi ng Luzon at bahagi ng Visayas. Sinabi ni Pangulong Marcos na may template na ang gobyerno na sinusunod ng […]
-
Mga bagong botanteng nagparehistro, halos 8M na– Comelec
Patuloy ang paghimok ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nais bumoto sa 2022 national at local elections na samantalahin na ang huling tatlong linggo ng Oktubre para magparehistro. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod na rin ito ng pagpapalawig sa voter registration na magtatapos na sana noong Setyembre 30. […]