• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga kawani ng gobyerno hindi na papayagang makalabas

APRUBADO na ang Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines na may kinalaman sa inaasahang pagpapatupad ng pilot implementation para sa gagawing alert level system sa NCR.

 

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ang naturang policy shift na naka- takdang gawin sa mga susunod na araw ay magiging dalawa na lamang ang magigiging quarantine classification na ipaiiral at ito ay ang ECQ iatf at GCQ.

 

 

Magkagayon man, ang dos and donts sabi ni Roque na ipatutupad ay depende na sa alert level na nakataas sa lugar.

 

 

Sinasabing kada siyudad na o munisipyo aniya ito sabi ni Roque.

 

 

Kapag nakataas aniya ang Alert level 4 sa isang area, wala pa din ayon kay Roque na dine in.. personal services…. wala pa ding mass gathering. subalit pinaplantsa pa aniya ang detalye tungkol dito.

 

 

Paliwanag nisec. Roque, sa bagong polisiya ay magpapatupad ang lahat ng lugar ng granular lockdown.

 

 

Tanging mga health at allied health professionals na lamang umano ang ituturung na APOR.

 

 

Hindi na din daw papayagang makalabas kahit kawani ng pamahalaan kung ito ay nasa lugar na nasa ilalim ng Alert level 4.

 

 

Kaugnay nitoy kikilos naman ang DSWD para umasiste sa maaapektuhan ng ipatutupad na alert level system.

 

 

Inaasahang sisimulan ang bagong set up sa Setyembre 16. (Daris Jose)

Other News
  • RCB Basilan 5-Cockfest, balik-tukaan

    MAGBABALIK ang mga serye ng mga ‘Big Event’ cockfest sa Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng RCB Basilan 5-Cock Derby sa Biyernes, Marso 13 na may 40 sultada.   Patuka ito ni Ronald Barandino ng Basilan, ang 2012 World Slaher Cup champion, at mga itataguyod naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Kalahok din […]

  • ‘The First Omen’ Reveals Horror’s Beginnings in Cinemas April 5

    Experience the spine-tingling origins of evil with ‘The First Omen.’ Discover the untold story coming to Philippine cinemas on April 5.   Prepare to be transported to the chilling depths of terror as “The First Omen” emerges onto the big screen in Philippine cinemas on April 5. This highly anticipated installment of the famed Omen […]

  • PBBM, pinuri ang METROBANK OUTSTANDING “BAGONG FILIPINOS”

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ngayong taon, pinagkapurihan niya ang mga ito dahil sa pagpapakita ng kung ano talaga ang ibig sabihin ng “Bagong Pilipino.”   “You are the new faces of public service—dedicated, selfless, and committed to excellence—the living examples of what it truly means to be […]