• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga lugar na may mataas na ‘quarantine classification’ mas lalo pang hihigpitan ng PNP

Mas lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagpapatupad ng kanilang seguridad sa lahat ng mga quarantine control points lalo na duon sa mga lugar na may mas mataas na quarantine classification gaya na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

 

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations (TDCO) at JTF Covid Shield Commander Lt Gen. Ephraim Dickson, mas pinalakas nila ang police intervention sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) para hindi na maulit ang nangyari sa siyudad ng Cagayan de Oro noong Sabado kung saan buhos ang mga motorista na nais makapasok sa siyudad na nasa ilalim ng ECQ.

 

 

Inatasan na rin ni Dickson ang mga regional police directors at maging ang mga police commanders na tiyakin na nasusunod ang Minimum Public Health Standards at makipag-ugnayan sa mga local government units at mga barangay officials para magkaroon ng koordinasyon sa mas mahigpit na security measures.

 

 

” Lalo na duon na may naka-record o na classify na mas mataas tulad ng ECQ, MECQ binibigyan natin yun ng pokus at ang intervention natin kailangan paigtingin lalo at yung dessimination din sa mga constituents lalo na yung mga hindi nakakaalam, i-engage ang mga LGUs hanggang sa barangay level para kahit papaano ay coordinated yung effort ng ating kapulisan at ang mga nagpapatupad ng batas,” pahayag ni Dickson.

 

 

Siniguro ng Heneral na strikto ang pagpapatupad ng minimum health and safety protocols sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ at MECQ.

 

 

Sa mga lugar naman na nasa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) mananatili pa rin ang mga quarantine control checkpoints.

 

 

Sisiguraduhin parin ng PNP na nasusunod ang guidelines na inilabas ng IATF.

 

 

Ayon kay Dickson, dito naman sa Metro Manila bagama’t lumuwag ang quarantine restrictions kailangan pa rin maghigpit lalo na at may banta sa Covid-19 Delta variant.

 

 

” Nananatili pa rin kasi tulad ng instruction ng ating SILG saka yung ating Chief PNP hanggat maaari maiwasan natin ang pagpasok talaga ng mga infection lalong lalo na ang Delta variant. As of now kahit na medyo nag loose ‘yung ating classification o bumaba naging GCQ ay pinapairal pa rin namin ‘yung ginagawa naming checkpoints at minomonitor pa din natin, so far wala pa naman reported na binago,” ayon kay Lt.Gen. Dickson.

 

 

Sinabi ni Dickson inatasan din ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang lahat ng mga police commanders na magdeploy ng mas maraming pulis sa mga lansangan para pigilan ang mga mass gathering.

 

 

Binalaan ng PNP ang mga organizer ng mass gathering na mahaharap sila sa patong patong na kaso kapag mahuli silang lumalabag sa health protocols.

 

 

Ang nasabing kautusan ay alinsunod sa direktiba ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga pulis na hadlangan ang mga tinaguriang “super spreader events”.

 

 

Ito ay bilang pangontra rin sa pagkalat ng delta variant ng Covid 19 sa bansa na iniulat na nagkaroon na ng local transmission.

 

 

Ang delta variant ay itinuturing na mas makamandag at nakakahawa kaysa sa orihinal na Corona virus. (Daris Jose)

Other News
  • Kaya may sagot at pakiusap sa bashers: PIA, tinawag na ‘trying hard and copycat’ ni HEART

    SINAGOT na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga natatanggap niyang bashing mula sa netizens simula nung uma-attend siya ng mga fashion events abroad.   On Instagram, kunsaan nag-share ng reel si Pia sa pagrampa niya sa Paris Fashion Week, sinagot niya sa comment section ang ilang pang-ookray sa kanya.   Ilan sa nakuha […]

  • 4-MAN PH TEAM SA 3X3 WORLD TOUR, BUO NA

    PINABORAN ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio kahapon (Martes) ang rekomendasyon ng Selection Committee na isalang sa 4-man Philippine Team na sasabak sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sina Chooks-To-Go 3×3 top player Joshua Eugene Munzon, Alvin Pasaol, Moala Tautuaa at CJ Perez.   Mula sa mahigit 20 player-candidate, napili ng SBP […]

  • Kevin Durant kabilang na sa listahan na may 30-K points

    NAGTALA ng panibagong record sa kaniyang career si Kevin Durant. Siya kais ang pang-walong manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nagtala ng 30,000 points. Nakamit nito ang record sa laban ng Phoenix Suns kontra Memphis Grizzles. Ang 36-anyos na Suns forward ay kabilang na sa listahan na pinangunahan nina LeBron James, Kareem Abdul Jabbar, Karl Malone, […]