• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga mamamayan, hinimok na paigtingin pa ang pagkamakabayan sa harap ng mga hamon sa ating bansa – DFA

HINIKAYAT ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mga mamamayan na panatilihin ang maalab na pagmamahal sa bansa, ngayong nahaharap tayo sa maraming mgaa hamon.

 

 

 

Ang mensahe ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa 126th Philippine Independence.

 

 

 

Ayon sa kalihim, mahalagang mapanatili ang ating pagtutok sa kalayaan, kinabukasan at kasaysayan na siyang tema ng ating taunang selebrasyon.

 

 

 

Hangad ng opisyal na magsilbing hamon sa lahat ang mga pagsubok upang magkakatuwang na itaguyod ang mas masigla at maunlad na bagong Pilipinas sa hinaharap na panahon.

 

 

 

Kinilala rin nito ang malaking papel ng mga manggagawang Pilipino mula sa iba’t ibang bansa, na bagama’t magkakalayo ay kaisa pa rin sa makabuluhang mithiin para sa lahat. (Daris Jose)

Other News
  • Saso biniyayaan ng P480K

    MAANGAS ang third and final round ni Yuka Saso na three-under par 69 patungo sa total 214 pero kumasya lang iyon para sa walong magkakasalo sa ika-12 posisyon na na may grasyang ¥1,080,000 (P480K) bawat isa sa pagrolyo ng 14th Meiji Yasuda Seimei Ladies Yokohama Tire Golf Tournament 2021 sa Tosa Country Club sa Kochi […]

  • Grade 8 student, timbog sa baril sa Malabon

    ISANG Grade 8 na estudyante ang arestado matapos mabisto ng security guard ang dalang baril sa loob ng kanyang bag habang pumasok sa kanilang paaralan sa Malabon City.   Papasok na sa gate ng kanilang paaralan sa Arellano University Jose Rizal Campus sa may Gov. Pascual St. Brgy. Baritan ang 15-anyos na estudyante alas-11 ng […]

  • Gunman na pumatay sa radio commentator na si Percy Lapid, sumuko

    SUMUKO  na ang gunman sa pumatay diumano sa radio commentator na si Percy Lapid (Percival Mabasa), na siyang ngumuso rin sa tatlo pang suspek habang isinisiwalat na tumanggap siya ng utos mula sa loob ng Bilibid.     Martes nang iharap ni Interior Secretary Benhur Abalos ang suspek na si Joel Salve Estorial, na sumuko […]