• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nabakunahang OFWs sa Pinas makakapasok na ng Hong Kong simula Aug. 30

Papayagan nang makapasok sa Hong Kong mula Agosto 30 ang mga manggagawang Pilipino na nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

 

 

Pumayag na kasi aniya ang Hong Kong na tanggapin ang maipapakitang vaccine cards ng mga OFWs mula sa Bureau of Quarantine ng Pilipinas.

 

 

Tinatayang aabot sa 3,000 OFWs na naghihintay ng kanilang deployment sa Hong Kong ang magbebenepisyo sa development na ito.

 

 

Nauna nang hindi pinayagan ng Hong Kong na makapasok sa kanila ang mga nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Other News
  • Miyembro ng “Compendio Drug Group”, kasabwat timbog sa buy bust sa Valenzuela

    DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Compendio Drug Group” na listed bilang high-value individual (HVI) ang nalambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Alex Estrella alyas “Tropa”, 44, (HVI), miyembro ng […]

  • Resolusyon sa pagpapaliban ng implementasyon sa cashless toll payment hanggang Enero 1, 2021, pinagtibay ng komite

    Pinagtibay sa isang online na pagdinig ng House Committee on Transportation ang House Resolution 1367 na humihiling Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021.   Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos na isulong […]

  • Bakuna sa 12-anyos pababa isusunod na ng DOH

    Pinag-aaralan na rin umano ng Department of Health (DOH) ang posibleng vaccination kontra COVID-19 sa mga bata na mas bata pa sa 12-taong gulang makaraang mag-umpisa na ito sa mga adolescents.     “Yes, considering nasa ibang bansa na below 12 [years old]. Hihintayin natin ang resulta ng pag-aaral,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje. […]