MGA NAGPAREHISTRO SA ELEKSIYON 2021, UMABOT SA HALOS P3M
- Published on May 24, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 2,904,347 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa Eleksyon 2022.
Ayon sa Comelec, simula ito noong nakalipas na taon nang ibalik ang pagpapatala sa gitna ng pandemya hanggang nitong Mayo 15.
Sa inilabas na datosĀ ng Comelec, pinakamarami ang nagpatala para makaboto sa 2022 noong Enero hanggang Marso ngayong 2021 na umabot sa 1,436,604
Sa halos 3-milyon, nasa 1,493,417 ang mga bagong nagparehistro na mula 18-anyos pataas
Kasama rin sa datos ng Comelec ang mga nagpalipat ng presinto, nagpa-reactivate ng kanilang registration matapos mabigo makalahok sa nakalipas na ilang eleksyon at mga dating OFW na nagbalik bansa dahil sa pandemya. (GENE ADSUARA)