• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nairehistrong sim cards sa bansa, umabot na sa mahigit 22-M – NTC

MAHIGIT  22.2 million SIM cards ang nairehistro na, tatlong linggo makaraang simulan ang mandatory registration period, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).

 

 

Sinabi ni NTC Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca Lopez, na umabot na sa 22,298,090 ang SIM card registrants, as of Enero 18, o katumbas ng 13.20 percent ng kabuuang 168 million active SIM subscribers sa bansa.

 

 

Sa 22.2 million, ang Smart Communications Inc. ang may pinakamalaking bilang ng registrants na mahigit 11.1 million, sumunod ang Globe Telecommunications na may mahigit 9.3 million at DITO Telecommunity na may mahigit 1.8 million.

 

 

Samantala, sa pulong ng Inter-Agency Ad Hoc Comittee For Facilitation of SIM registration in Remote areas, iprinisinta ng NTC sa member agencies at telcos ang listahan ng mga lugar na tinukoy ng kanilang sim registration act task force bilang remote.

 

 

Inihayag ni Lopez na kabuuang 45 remote areas ang tinukoy mula sa 15 rehiyon sa bansa.

 

 

Nagsimula ang mandatory SIM card registration noong Disyembre 27, 2022, alinsunod sa Republic Act No. 11934 o SIM Registration Act.

 

 

Ang deadline naman sa pagpaparehistro ng sim cards ay sa April 26, 2023. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ads June 29, 2023

  • PATAFA target ang Top 3 sa Vietnam SEAG

    ANG PAGDUPLIKA sa nakolektang mga medalya noong nakaraang Southeast Asian Games ang hangad ng Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) sa paglahok sa 31st edition sa Hanoi, Vietnam.     Noong 2019 Manila SEA Games ay humakot ang national team ng kabuuang 11 gold, 8 silver at 8 bronze medals sa ilalim ng Vietnam […]

  • PAL babayaran ang P570 million na utang sa CAAP

    Nangako ang Philippine Airlines (PAL) na babayaran nila ang kanilang utang sa Civil Aviation Authority of the Philippines na nagkakahaga ng P570 million matapos gawin ang unang bahagi ng bankruptcy proceedings na kanilang inihain sa New Court.     “I asked Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade to push through with its collection efforts […]