Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na ipinamamahagi ngayong panahon ng ECQ, pinatulan ng Malakanyang
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance sa bawat indibidwal o apat na libong piso para sa bawat pamilyang Pilipino na nasa ilalim ng ECQ.
Aniya, nandyan naman ang DSWD na patuloy na nagpapatupad ng regular social welfare services nito kagaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Sinabi pa ni Sec. Roque na tumutugon din ito sa pangangailangan ng mga mahihirap na Filipino gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa.
Bukod dito, mayroon din aniya na resource augmentation mula naman sa LGU para sa mga family food packs habang naririyan din ang 4Ps.
“Sa mga nagsasabi na hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance bawat indibidwal or 4,000 pesos bawat pamilyang Pilipino, patuloy ang DSWD na nag-i-implement po ng mga regular social welfare services nito kagaya ng AICS, iyong Assistance to Individuals in Crisis Situation, para tumugon sa iba pa pong mga pangangailangan ng mga kababayan nating mahihirap gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa,” ayon kay Sec. Roque.
“Gayun din ang resource augmentation nito sa LGUs para sa mga family food packs upang tumulong sa LGUs na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. Mayroon din tayong 4Ps beneficiaries,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Saso biniyayaan ng P480K
MAANGAS ang third and final round ni Yuka Saso na three-under par 69 patungo sa total 214 pero kumasya lang iyon para sa walong magkakasalo sa ika-12 posisyon na na may grasyang ¥1,080,000 (P480K) bawat isa sa pagrolyo ng 14th Meiji Yasuda Seimei Ladies Yokohama Tire Golf Tournament 2021 sa Tosa Country Club sa Kochi […]
-
Matapos na laitin na kamukha raw ni ‘Petrang Kabayo’… RHIAN, ang witty ng sagot sa basher na pinaghuhugas siya ng pinggan
ANG witty nang sagot ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa isang basher na nanglait sa kanya. Sinabihan lang naman si Rhian na kilala ring commercial model, singer, at race car driver ng basher ng, “Lookalike ni petrang kabayo, maghugas ka nalang ng pinggan hayop.” At sa halip na mainis […]
-
4 TULAK TIMBOG SA P646K SHABU SA CALOOCAN
ARESTADO ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang company driver matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Ayon kay Caloocan city police chief Col. Samuel Mina Jr., alas-9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba […]