Mga nasawi sa buong mundo sanhi ng COVID-19, lagpas 3K na
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
LAGPAS 3,000 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 as of March 2, kasabay ng pagtatala ng 42 pang mga nasawi mula China.
Mula Hubei province ang lahat ng mga bagong nasawi, ayon sa National Health Commission, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang mga namatay sa mainland China.
Naiulat din ng mga health officials ang pinakamababang daily tally mula pa noong Enero na may 202 bagong kaso.
Sa China, patuloy na bumababa ang bilang ng mga kaso kung saan mayroon lamang anim na kumpirmadong kaso sa labas ng Hubei. Noong naka-raang taon nagsimula ang virus sa central China, ngunit kumalat na ito sa mahigit 60 na bansa sa buong mundo.
Naiulat na sa Estados Unidos at Australia ang unang nasawi sa sakit nitong weekend, habang halos dumoble naman ang mga tinamaan ng virus sa nakalipas na 48 oras sa Italy.
Sinabi naman ng World Health Organization na partikular na tumatama ang virus sa mga taong edad 60 pataas na at mayroon nang iniindang mga sakit.
Ayon pa sa ahensya, karamihan sa mga taong may COVID-19 ay nakararanas lamang ng mga mild na sintomas habang nasa 14 na porsyento ang mayroon malalang sakit kagaya ng pneumonia at limang porsyento naman ang nagiging “critically ill”.
Nasa pagitan umano ng dalawa hanggang limang porsyento ang mortality rate ng outbreak.
Nasa 0.1 na porsyento lamang ang average mortality rate ng seasonal flu ngunit higit na nakakahawa na aabot sa 400,000 katao sa buong mundo ang mga namamatay mula rito kada taon.
Nagkaroon ng 9.5 na porsyento at 34.5 na porsyento ang mortality rate ng ibang strain ng coronavirus na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS). (Daris Jose)
-
Toll rates sa NLEX, Cavitex tumaas
SINIMULAN kahapon ng pamunuan ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) at NLEX Corp na siyang mga subsidiaries ng Metro Pacific Tollways Corp. ang pagtataas ng toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX) at Manila-Cavite Expressway (Cavitex). Sinabi ng NLEX na binigyan sila ng go-signal ng Toll Regulatory Board (TRB) para sa kanilang petition […]
-
Vice Ganda, isa sa nag-comment at sobrang excited: PAOLO, perfect host ng ‘Drag Race Philippines’ at pinasilip na ang first look
SI Paolo Ballesteros nga ang napili na mag-host ng “Drag Race Philippines” na magsisimula nang mapanood sa August 17. Ni-repost ni Paolo ang official social media post na may caption na, “MABU-HEYYY! Meet your HOST of @dragraceph: @pochoy_29. “Start your engines, #DragRacePH premieres August 17th on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada […]
-
MEET THE MIGHTY PUPS IN THE SUPER NEW TRAILER FOR “PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE”
This October, a new breed of superheroes hits the big screen. PAW Patrol: The Mighty Movie is coming soon in Philippine cinemas. Watch the trailer: https://youtu.be/SpyaFXiEqoU About PAW Patrol: The Mighty Movie Paramount Pictures and Nickelodeon Movies and Spin Master Entertainment Present PAW Patrol: The Mighty Movie. When a magical meteor crash lands in Adventure City, it gives the PAW […]