• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nasawi sa COVID-19 sa China, umakyat na sa 2,233

Umakyat na sa 2,233 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus sa China as of February 21, matapos maitala ang 115 pang mga nasawi sa Hubei province.

 

Karamihan sa mga nasawi ay nagmula sa Wuhan, kung saan unang nanggaling ang naturang virus, ayon sa daily update mula health commission Hubei.

 

Nasa 75,000 na katao ang tinamaan ng virus at daan-daan pa ang nasa 25 mga bansa.

 

Sinabi ng health commission ng Hubei na mayroong 411 na bagong kaso ng virus sa lalawigan, kung saan 319 ang nasa Wuhan at mula sa ibang mga siyudad ang nalalabing bilang.

 

Sinabi ng China na muli nitong binago ang pamamaraan ng pagbibilang ng mga pasyenteng tinamaan ng novel coronavirus at ngayon ay isasama na lamang nila ang mga na-diagnose sa pamamagitan ng laboratory tests.

 

Ito ang ikalawang pagbabago ng criteria sa loob lamang ng 8 araw, na maaaring magpagulo sa datos at makapagpapakumplikado sa mga hakbang upang matunton ang pagkalat ng sakit.

 

Nitong nakaraang linggo, sinabi ng mga health officials ng China na kasama ang bilang ng mga kumpirmadong pasyente mula Hubei na na-diagnose sa pamamagitan ng clinical methods kabilang ang lung imaging.

 

Dahil dito, nagresulta ito sa isang araw na malaking pagsipa sa bilang ng mga kumpirmadong kaso noong Pebrero 13 kung saan pumalo sa 14,840 ang naitala.

 

Sinisi ang pagbabago sa backlog ng mga pasyenteng naghihintay ng nucleic acid tests kung saan nagde-deteriorate ang kanilang kondisyon at nangangailangan ng agarang gamutin.

Other News
  • Maraming niligawan noon pero palaging basted: RURU, inamin na si GABBI lang ang naging girlfriend bago si BIANCA

    MALAKING achievement para kay Barbie Forteza ang makapagpatayo ng bagong bahay.     Sa katunayan, kaunting panahon na lamang ay tapos na ang ipinapagawa niyang bahay para sa kanyang pamilya.     Ayon pa kay Barbie, isa sa espesyal na bahagi ng kanyang bagong tahahan ay sarili niyang audio/visual studio na magagamit niya para sa […]

  • Alapag hangad na mapasama sa coaching staff ng Kings sa NBA

    Umaasa si dating PBA point guard Jimmy Alapag na mapapasama siya sa coaching staff ni Sacramento Kings’ head coach Luke Walton para sa darating na NBA season.     Ito ay matapos pagharian ng Kings ang 2021 NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada kung saan nakasama si Alapag bilang isa sa mga assistant ni […]

  • PBA, dodoblehin ang mga larong gagawing sa kanilang muling pagbabalik

    MAGSASAGAWA agad na apat na laro ang Philippine Basketball Association (PBA) sa araw ng Martes, Nobyembre 3.   Kasunod ito sa pagpayag ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na ituloy na ang mga laro matapos na wala ng lumabas na positibo sa coronavirus.   Sa pinakahuling COVID-19 testing ay […]