• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA NAVOTENO NAGPAKITA NG TALENTO SA FILM FEST, AT PHOTO COMPETITION

MULING nagpakita ang mga Navoteño ng kanilang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition.

 

 

 

 

Itinampok sa festival ang 8- hanggang 10 minutong maikling pelikula na nakasentro sa tema, “Navoteño LGBTQIA+, Mahalaga sa pag-angat ng Turismo at Ekonomiya.”

 

 

 

 

Labinsiyam na maikling pelikula, walo mula sa paaralan at 11 mula sa mga bukas na kategorya, ay ipinalabas nang libre noong Hunyo 22, 2024.

 

 

 

 

“We hope that through your films, we will be able to correct misconceptions about Navotas and its people, particularly those who belong to other gender identities,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

 

 

“Our goal is to produce quality short films and photographs that will put Navotas at the forefront of the booming creative industry in our country, show what our city can offer to potential visitors, and inspire our fellow Navoteños to promote a genderless society where everyone is treated and loved equally,” dagdag niya.

 

 

 

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ng festival ang mga maikling pelikula sa open at school categories para bigyan ng pagkakataon at hikayatin ang partisipasyon ng mga Navoteño filmmakers sa lahat ng edad.

 

 

 

 

Bago ang film fest, ang mga kalahok sa kategorya ng paaralan ay dumalo sa isang dalawang araw na workshop sa paggawa ng pelikula sa pangunguna ng advocacy filmmaker at professor na si Sheryl Rose Andes.

 

 

 

 

Samantala, ipinakita ng 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition ang Top 10 entries sa parehong school at open categories na akma sa tema ngayong taon, “Sulong Navoteña, sa Pag-unlad Ikaw ang Manguna!”

 

 

 

 

Isinagawa ang 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition alinsunod sa pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)

Other News
  • DIRECT SUNLIGHT, WALANG EBIDENSIYA NA NAKAMAMATAY NG CORONA VIRUS

    WALA  pang ebidensya na ang “direct sunlight” ay nakamamatay ng virus ng coronavirus disease.   Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire,  sa umano’y muling paggamit ng mga surgical mask matapos itong ibilad sa araw upang mamatay umano ang virus.   “Wala pang ebidensya na nakakapagbigay sa atin kung ito ba ay naapektuhan […]

  • ALITUNTUNIN SA PAGBILI NG BOTO ILALABAS NG COMELEC

    ILALABAS ng Commission on Elections (Comelec) ng alituntunin na magpapalakas sa paglaban nito sa anumang anyo ng pagbili ng boto.     “In the next few days, the Comelec will be announcing certain revolutionary guidelines when it comes to campaign against vote buying.”     Aniya, gagawa ng ilang pagpapalagay ang Comelec na hindi pa […]

  • Drug lords ilagay sa isla na puro bato – Sotto

    Bilang alternatibo sa parusang kamatayan, iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na alisin sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at ibukod ang mga kriminal mula sa iba pang bilanggo.     Suhestiyon ito ni Sotto para umano sa mga nawawalan na ng pag-asa na mabuhay pa ang parusang kamatayan sa bansa kaya ito ang […]