• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Navoteñong nasunugan, nakatanggap ng tulong na tig-P10K mula kay Sen. Go at NHA

NAKATANGGAP ng tulong pinansiyal na tig-P10,000 mula sa National Housing Authority (NHA) at kay Senador Bong Go ang nasa 1,328 pamilyang Navoteñong nasunugan sa isinagawang aktibidad sa Navotas Sports Complex, kamakailan.
Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio ang pamamahagi ng tulong pinansiyal na aabot sa P13.28 milyon sa mga benepisyaryo, katuwang sina Sen. Go, Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at NHA MaNaVa District Manager Engr. Nora E. Aniban.
Mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensya, ang mga benepisyaryo na mga residente ng Barangays North Bay Boulevard North, Bagong Bayan North, Tangos North, Tangos South, Navotas West, San Roque, Sipac Almacen, Bangkulasi, at Daanghari ay nakatanggap ng tig-P10,000 ayuda bawat pamilya. Sila ay mga biktima ng iba’t-ibang sunog mula noong Oktubre 2019 hanggang Mayo 2023.
Nagpahayag naman ng pasasalamat sina Mayor Tiangco at Cong. Tiangco sa NHA at kay Sen. Go sa ibinigay nilang tulong sa kanilang mga kababayan na naging biktima ng sunog dahil malaki anila itong tulong para makabili sila ng mga materyales sa pagpapagawa ng kanilang bahay.
          Nagpasalamat din ang mga benepisyaryo sa Tiangco brothers sa pagbibigay ng credit para sa pagtanggap ng lahat ng uri ng tulong mula sa ibang mga ahensya.
Layunin ng NHA EHAP ang magpaabot ng pinansyal na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad tulad ng sunog, pagbaha, lindol, bagyo at iba pa para muling makabangon mula sa trahedya at maibsan ang gastusin nila. (Richard Mesa)
Other News
  • P18 bilyong piso, nawawala kada araw – Malakanyang

    HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region. Ito’y sa kabila ng wala pa namang pasiya sa kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, […]

  • Balik-acting na sa ‘Black Rider’: MICHELLE, excited na sa magiging role at makapag-motor

    NOONG mag-guest si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, tinanong sa kanya ang final question sa Miss Universe na, “If you could live one year in another woman’s shoes, who would you choose and why?” Sagot ni Michelle: “If I could choose to live in any woman’s shoes, […]

  • Bunsod ng pagiging number one na krimen ang ‘rape’: Abalos, ipinag-utos ang mas maraming kapulisan sa ilang lugar sa Pinas

    IPINAG-UTOS ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng makakaya para protektahan ang mga kabataang kababaihan at paigtingin ang implementasyon ng “Kuwarto ni Nene” program sa mga komunidad kung saan tumaas ang sexual abuse cases laban sa mga kabataang kababaihan.   […]