• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga paraan para mapigil ang pagtatapon ng basura sa karagatan, tinalakay

NAGSASAWA  nitong Lunes ang House committee on Ecology, na pinamumunuan ni Rep. Marlyn Alonte (Biñan City) ng organizational na pulong, at inaprubahan ang Internal Rules of Procedure nito.

 

 

Sinabi ni Alonte na ang hurisdiksyon ng komite ay sumasaklaw sa lahat ng mga bagay nang direkta at pangunahing may kaugnayan sa pamamahala ng ecosystem, kabilang ang pagkontrol sa polusyon.

 

 

“Simply put, our committee is tasked to protect ecological services, prevent and control pollution, and accordingly sustain and restore the natural resources. These are the ecological services that we need to protect — clean air, clean surface and groundwater, lush vegetation due to healthy and uncontaminated soil, and rich marine resources and ideal climate,” ani Alonte.

 

 

Ikinalungkot ng mambabatas na ang kapaligiran ay dumaranas ng labis na pinsala mula sa mga aktibidad ng tao, na sumisigaw na nang aksyon at suporta. “Let us work together to find that balance between economic development and a life-sustaining environment,” dagdag pa ni Alonte.

 

 

Nagsagawa rin ng briefing ang Department of Environment and Natural Resources at Metro Manila Development Authority sa: 1) National Plan of Action on Marine Litter (NPOA-ML), 2) mga agwat sa patakaran sa pamamahala sa basura hinggil sa mga limitasyon ng sanitary landfill, bilang pasilidad ng pagtatapon, gayundin ang 3) mga agwat sa patakaran sa pamamahala ng mapanganib na basura sa bahay, at pangangalaga sa kalusugan dahil na rin sa pandemyang dulot ng COVID 19.

 

 

Nagbigay ng presentasyon si DENR-Environmental Management Bureau (EMB) Assistant Director Atty. Vizminda Osorio hinggil sa National Plan of Action on the Prevention, Reduction, and Management of Marine Litter na inilunsad noong Nobyembre 2021.

 

 

Sinabi ni Osorio na nakikinita ng NPOA-ML na mawawala ang mga basura sa karagatan sa Pilipinas, sa pamamagitan ng ibinahaging responsibilidad, pananagutan, at partisipasyong pamamahala. Samantala, sinabi ni Rep. Joey Salceda (2nd District, Albay) sa pagdinig na kung maging batas, ang House Bill 4102, o ang “Plastic Bags Tax Act,” ay mabibigyan ang mga lokal na pamahalaan ng P10-bilyon kada taon mula sa National Expenditure Program.

 

 

“This is in recognition that pollution is a shared responsibility of the national and local governments. That policy has not been enunciated properly,” ani Salceda. (Ara Romero)

Other News
  • Isa patay, 52 sugatan sa gumuhong ikalawang palapag ng isang simbahan sa Bulacan

    NAKAPAGTALA  na ng isang patay at umakyat na sa 52 ang sugatan sa nangyaring pagguho ng ikalawang palapag ng St. Peter the Apostle Church sa San Jose del Monte, Bulacan sa kasagsagan ng misa para sa Ash Wednesday ngayong araw.     Ayon kay Mayor Arthur Robes, kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima na […]

  • Secretary Roque, tikom ang bibig kung may impluwensiya pa o wala na sa super majority sa Kongreso si PDu30

    TIKOM ang bibig ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkomento sa kung may impluwensiya pa o wala na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa House super majority.   Sa halip na sumagot ay ipinaubaya na lamang ni Sec. Roque kay Pangulong Duterte ang pagsagot kung sa tingin nito ay wala na siyang clout sa mayorya […]

  • Once-a day religious gatherings pinayagan ng IATF

    PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga nais na magsimba ngayong Semana Santa.   Base sa naging anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque, pinapayagan ng IATF ang “once a day religious gatherings” mula Abril 1 hanggang 4, 2021.   Dahil dito, kinakailangan aniya na sundin ng mga religious denominations at ipatupad ang mga […]