Mga Pinoy cue artists pasok na sa 2nd round ng US Open Pool Championship
- Published on September 17, 2021
- by @peoplesbalita
Pasok na sa ikalawang round ng US Open Pool Championship ang mga billiard players ng bansa.
Pinangunahan ni Dennis Orcollo at Carlos Biado at pitong iba pang Filipino ang pag-usad sa ikalawang round ng torneyo na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey.
Unang tinalo ng Asian gold medalist na si Orcollo ang dalawang nakalaban nitong sina Miguel Medieta ng Argentina at Paul Spaanstra ng US.
Habang tinalo naman ni Biado sina Steve Feming ng US at Vincent Beauvirage ng Canada.
Mahaharap sa malaking hamon ang dalawa sa ikalawang round ngayong Setyembre 16.
Makakasagupa ni Orcollo si Corey Deuel ng US habang makipagtutuos sina Biado kay Mika Immonen ng Finland para sa kanilang race to 11 game.
Pasok rin sa susunod na round ang mga Pinoy cue artists na sina Jeff De Luna, Roberto Gomez, Warren Kiamco, Jeffrey Ignacio, Johann Chua at James Aranas.
-
PBBM, ikakasa ang malawakang balasahan sa SRA sa gitna ng sugar import mess, ipinaubaya na sa Kongreso ang imbestigasyon
MAGSASAGAWA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malawakang balasahan sa Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ng mga key officials nito dahil sa kontrobersiyal na sugar import resolution. Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng Department of Agriculture, na ang nakaambang na reorganisasyon sa ahensiya, may layong i-promote ang paglago ng […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 44)
NAGULAT si Bela nang makita si Jeff mula sa pagsilip niya sa bintana. “A-anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito na hawak pa rin ang cellphone. “Huwag ka ngang maraming tanong diyan, lumabas ka na lang.” sabay off ni Jeff ng cellphone. Ayaw ni Bela na makita ng mga magulang niya ang […]
-
Ads January 8, 2021