• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy Olympians mas makikilalala na sa website

MAKIKILALA na ang mga national athlete noon at ngayon na nagbigay ng karangalan sa bansa hanggang sa pinakamalaking paligsahan – Olympic Games – sa pamamagitan ng  makabagong teknolohiya sa kalulunsad lang na Philippine Olympians Association (POA), Philippine Olympic Committee (POC) at Nestle-Milo Philippines.

 

 

Mababasa ng publiko ang mga Olympian, ang kanilang mga natatanging karanasan at sakripisyo upang makaabot sa pangarap maging Olympian sa pagbisita sa “Living Archive of Olympians.”

 

 

Nagsadya sa website launching sina POA chairman Rafael Hechanova, 93, at nakasabak sa 1952 Helsinki Olympics,  president Gillian Akiko Thomson-Guevara, treasurer Stephen Fernandez, 2020 Tokyo Olympic-bound taekwondo Kurt Bryan Barbosa at board member Amparo Lim.

 

 

Gayundin nina Milo Philippines AVP at Sports Executive Lester Castillo, POC deputy secretary general Karen Tanchanco-Caballero at iba pa. (REC)

Other News
  • Pagtataas sa SSS contribution, makapagpapalakas sa buhay ng pondo

    SINABI ng Social Security System (SSS) na ang pagtataas sa kontribusyon o ang pagkasa sa 1-percent rate hike ay makatitiyak sa long-term viability ng institusyon at makatutulong na tumagal and pondo ng hanggang 2053. Sinabi ng SSS na ang 1-percent rate hike, nakatakdang simulang ipatupad ngayong buwan ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act 11199 […]

  • 19 Siargao surfers lalaban sa La Union int’l tourney

    Labinsiyam na propesyonal surfers mula sa Siargao Island sa Surigao del Norte ang lalahok sa Enero 20 hanggang 26 sa World Surfing League (WSL) La Union International Pro.   “Nasa competition site na ang mga surfers natin since Jan. 16, Monday. Kailangan nilang gawing pamilyar ang surfing site lalo na ang mga alon ng Urbiztondo […]

  • Business tycoon Danding Cojuangco pumanaw na, 85

    Pumanaw na sa edad na 85-anyos ang kilalang negosyante at political kingmaker na si Eduardo “Danding” Murphy Cojuangco, Jr.   Batay sa kumpirmasyon ng malalapit sa kanya, binawian ito ng buhay kagabi sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.   May lumabas na impormasyon na matagal na rin itong may karamdaman sa lung […]