• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy sa Cambodia ginawang crypto-scammer

IBINUNYAG ni Sen. Risa Hontiveros ang human trafficking sa ilang mga Filipino sa Cambodia para maging scammer ng cryptocurrency.

 

 

Ito ang panibagong natuklasan ilang buwan lamang matapos na ibulgar din ni Hontiveros sa Senado ang kaparehong modus na bumibiktima sa mga Filipino sa ­Myanmar.

 

 

Ayon sa senadora, ang mga Pilipino na iligal na pinasok sa Cambodia ay pwersahang pinagtatrabaho ng isang Chinese mafia para mang-scam ng mga dayuhan gamit ang cryptocurrency.

 

 

Lumapit sa tanggapan ni Hontiveros ang isang Pinoy na nakauwi na sa bansa na si “Miles” para ihingi ng tulong ang mga kapwa Pilipino na naiwan sa Cambodia na pinagmamalupitan ng mafia.

 

 

Batay sa salaysay ni Miles, sila ay pinangakuan ng trabahong customer service o call center sa Thailand subalit ang totoo pala ay itatawid sila sa Cambodia sakay ng isang van at doon sila ay sapilitang pinagtatrabaho ng 16 na oras, pitong araw sa isang linggo at walang break.

 

 

Ang kanilang modus ay magpapadala ng wrong text message sa mga Amerikano at kapag nag-reply ay saka nila ito kakaibiganin at aayaing mag-invest sa crypto currency na isa palang scam.

 

 

Sinabi pa ni Miles na kung noong una ay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) siya idinaan, nito lamang umanong Disyembre ay sa Clark airport na nagmumula ang mga biktima kung saan mayroon umanong immigration offi­cer o agent na mag-a-assist sa kanila sa airport, walang dokumentong hi­hingiin, wala ring interview at diretso tatak ng pasahero.

 

 

Bagama’t hindi nakaranas ng pananakit si Miles mula sa sindikato ay testigo naman siya sa ginawang pangunguryente sa isang kababayan at ang pananakit ay ginagawa kapag walang kliyenteng nabibiktima sa scam. (Gene Adsuara)

Other News
  • Procurement ng plastic cards para sa driver’s license, hinihintay na lamang ng LTO

    BINIGYANG diin ng Land Transportation Office na ang kakulangan sa supply ng mga plastic card na ginagamit para sa mga driver’s license ay maaaring napigilan.     Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, pinaalalahanan nila ang mga opisyal ng transportasyon tungkol sa pagkaantala sa pagbili ng mga plastic card.     Idinagdag niya na […]

  • “MAGIC MIKE’S LAST DANCE” OFFICIAL POSTERS REVEAL THE FINAL TEASE

    CHRISTMAS came early.      Check out the official posters for Warner Bros. Pictures’ “Magic Mike’s Last Dance” – only in theaters across the Philippines in 2023.   [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/MRVXQeGjCMs]   About “Magic Mike’s Last Dance”   Just in time for Valentine’s Day comes the third installment of the blockbuster “Magic Mike” film […]

  • Construction worker himas-rehas sa pangmomolestiya sa anak na dalagita

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 33-anyos na construction worker matapos ireklamo mismo ng kanyang kinakasama ng pangmomolestiya sa kanilang anak na dalagita sa Malabon City.     Hindi na nakapalag ang manyakis na ama nang posasan siya nina Pat. Zenjo Del Rosario at Pat Marc Roldan Rodriguez, kapwa nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 5, […]