Mga Pinoy sa HK, binabantayan na ng DOLE dahil sa ‘mandatory vaccination order’
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na binabantayan na nito ang kasalukuyang sitwasyon sa Hong Kong kasunod nang naging desisyon ng gobyerno nito na gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease sa libo-libong banyagang manggagawa sa naturang rehiyon.
Ayon kay Director Rolly Francia, mino-monitor na raw ng DOLE ang pagpapatupad ng bagong patakaran na mandatory vaccination sa Hong Kong.
Batay aniya sa kung anong mangyayari sa nasabing kautusan ay gagawa umano ng hakbang si Labor Sec. Silvestre Bello III upang tugunan ang anumang magiging epekto nito sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Hong Kong.
Subalit sinabi rin nito na posibleng magbigay ng opisyal na pahayag si Bello ngayong araw tungkol sa usapin sakaling may development sa mga pangyayari.
Kabi-kabilang batikos naman ang natanggap ng Hong Kong dahil sa di-umano’y diskriminasyon nito sa mga Pinoy domestic workers o household service workers sa mandatory vaccination rule ng rehiyon.
Base sa mga ulat na ang mga banyagang manggagawa sa Hong Kong ay kinakailangang magpaturok ng COVID-19 vaccine. Ang sinumang tatanggi rito ay hindi makakapag-renew ng working contract.
Para naman sa mga manggagawa na papasok pa lang sa Chinese-controlled territory, kailangan muna silang mabakunahan bago payagang makapasok.
Nananawagan naman ang karamihan na kasabay ng mandatory vaccination sa Homng Kong ay ang pagsasagwa rin ng mandators testing para sa mga domestic workers na karamihan ay mga Pilipino.
Hong Kong ang ika-apat na destinasyon ng mga OFWs, sinundan ito ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Singapore.
Bago pa man ang pandemic, pumapalo ng 16,000 kada taon ang mga OFWs na ipinapadala sa Hongkong, katumbas ito ng 13,000 indibidwal sa loob ng isang buwan, ngunit bumagsak ito ng 80 percent o 32,000 OFWs noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic. (Gene Adsuara)
-
LRT 1 Cavite extension on time ang construction
NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project ay matatapos ayon sa schedule nito kung saan ito ay magiging operasyonal sa huling quarter ng taong 2024. Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala, ang […]
-
VACCINATION CARD SA PAMPUBLIKONG PALENGKE, INISPEKSIYON NG DOH
NAGSAGAWA ng inspeksiyon ang Department of Health (DOH) sa mga vaccination cards sa mga may-ari ng puwesto sa isang pampublikong palengke upang masiguro na nakumpleto nila ang kanilang bakuna. Pinangunahan ng inspeksiyon ni DOH-Ilocos Region Licensing Officer Charito Buado kasama ang Malasique Rural Health Unit ang inspeksiyon sa Malasique Public Market sa Malasique […]
-
PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN! HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUPAD! CONSOLIDATION ng MGA PRANKISA HUWAG IPATUPAD!
Sa inirekomendang modified GCQ sa buong bansa simula ngayong darating na Marso, asahan na ang mas maraming pasahero. Kaya naman rekomendasyon din na dagdagan ang mga units para sa public transportation. Iba ang dagdag ng masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay – ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan. Ang pangalawa- mas marami ang […]