• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga POGO workers, pinaalalahanan sa year end deadline

NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa mandato ng gobiyerno hinggil sa deadline na pag-alis nila sa bansa sa katapusan ng taon.

 

 

Binigyan diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na madaliin ito dahil mayroon na lamang 31 na araw ang mga dayuhan na sumunod sa kautusan ng gobyerno hinggil pag-alis sa mga POGO operations.

 

Nais ng BI na masiguro ang maayos na proseso sa mga naapektuhan na mga dayuhang manggagawa kaya pinaalalahanan sila sa deadline gayundin ang paghahanda sa kanilang mga travel ddocuments.

 

Sinabi ni Viado na hanggang nitong November 7, may kabuuan na 21,757 na mga dayuhan na naugnay sa POGO operations ang bolunatryong nag-downgrade ng kanilang work visa sa visitors visa kung saan halos 10,821 na mga mga dayuhan na na-approved ang kanilang donwgraded application ay nakaalis na ng bansa.

 

Matatandaan na noong October, nag-isyu ng kanselasyon ang BI sa 12,106 na mga dayuhan na hindi pa nagpa-downgrade ng kanilang mga visa .

 

Nagbabala si Viado sa mga dayuhan sa mga hindi makakaalis ng bansa bago ang deadline ay mahaharap sa deportasyon at ilalagay sa blacklist.

 

Inaasahan ng BI na may 20,000 na mga dayuhan na POGO Worker na aalis ng bansa sa susunod na linggo. GENE ADSUARA

Other News
  • Pinay powerlifter sa Tokyo Paralympics nagpositibo sa COVID, coach ‘di na rin makakasama

    Labis labis ang pagkadismaya ng isa sa mga atleta ng Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Paralympics matapos na hindi matuloy dahil sa nahawa sa COVID-19.     Una rito kinumpirma ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Michael Barredo na dinapuan ng virus si Filipina powerlifter Achele Guion.     Dahil dito maging ang kanyang […]

  • Ex-Mayor Elenita Binay inabsuwelto sa graft

    INABSWELTO ng Sandiganbayan si dating Makati City mayor Elenita Binay sa graft and malversation charges kaugnay ng mahigit P9.9 milyong halaga ng biniling medical equipment.     Nakalusot sa criminal lia­bility si Binay matapos hindi napatunayan ng proseku­syon ang kanyang “guilt beyond reasonable doubt.”     Kasama rin sa mga akusado sina dating Makati City […]

  • Patuloy na bina-bash sa pagsuporta kay BBM: Direk PAUL, itinanggi na sinabi niyang okay lang ma-cancel ng minority

    ITINANGGI ni Paul Soriano, ang director na mister ni Toni Gonzaga at masasabi sigurong isa sa numerong unong supporter ni Bongbong Marcos na tumatakbo naman ngayon sa pagka-Presidente, na sinabing okay lang sa kanyang ma-cancel ng minority.     Ni-retweet ni Paul ang lumabas sa isang news na nilinaw niyang wala raw siyang kina-cancel na […]