• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga politikong ginagamit ang ‘TUPAD’ sa kampanya, tukuyin – DOLE

Hinikayat kahapon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III si Senador Panfilo Lacson na ibigay sa kanila ang pangalan ng mga politiko na sinabi niyang gumagamit sa TUPAD program para pilitin ang mga benepisyaryo na lumahok sa kanilang mga caravan.

 

 

“As soon as Sen. Lacson can give me the names of the politicians involved. Please assure the senator that whatever info he will share will be treated with extreme confidentiality,” pa­ngako ni Bello.

 

 

Una nang sinabi ni Lacson nitong Lunes na ang TUPAD, o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ay pinagsasamantalahan ng ilang mga politiko.

 

 

Ipinapangahas umano ng mga ito sa mga benepisyaryo na hindi makukuha ang kanilang ayuda kung hindi sasama sa kanilang mga caravan.

 

 

Binanggit ng DOLE na lubhang nakakabahala ang naturang ulat lalo pa nga’t una nang nadiskubre  ang anomalya sa distribution nito sa ikalawang distrito sa Quezon City. Matatandaang nadawit sa sinasabing ‘tinapyas’ na ayuda ang pangalan ni QC 2nd District Congresswoman Precious Hipolito Castelo.

 

 

Ibinulgar  ng mga benepisyaryo na ki­nakaltasan ng tanggapan ng kongresista ang kanilang ayuda mula sa TUPAD program.

 

 

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang DOLE ukol dito.

 

 

Iginiit ng ahensya na hindi nila kinukunsinti ang natu­rang mga aktibidad at aalamin ang buong pangyayari.

 

 

Labis din nilang ikinalungkot kung bakit ang benepisyo para sa mahihirap ang siyang pinagsasamantalahan ng ilang tiwali sa pamahalaan. (Gene Adsuara)

Other News
  • “I will be signing off as Acting Secretary of the Presidential Communications Office”- Chavez

    NAGBITIW na sa puwesto si Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez. Sa katunayan, nagsumite na si Chavez ng kanyang irrevocable resignation noong Pebrero 5, 2025.     “To use a broadcast parlance, I will be signing off as Acting Secretary of the Presidential Communications Office on February 28, 2025, or anytime earlier when my […]

  • Roque, inaming nasa labas na ito ng Pilipinas

    Kasunod ng pag-amin ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na pumunta siya sa Abu Dhabi, inamin din niyang nananatiling wala siya sa Pilipinas.       Sa pulong balitaan ngayong araw, natanong si Roque nasa labas pa rin siya ng Pilipinas o kung nakabalik na siya sa bansa.     Sagot ni Roque, nasa […]

  • MAJA, umaming dahil sa pamilya kaya tinanggap ang offer ng TV5

    NAGING honest si Maja Salvador sa naging deciding factor niya nang tanggapin niya ang offer ng TV5 at Brightlight Productions na lumipat mula sa pagiging Kapamilya star.   Kasama sina Donny Pangilinan, Catriona Gray, Jake Ejercito at Piolo Pascual, sila ang mga host ng bagong ilulunsad na Sunday noontime show ng network, ang SNL o […]