Mga rail lines tigil operasyon ngayon mahal na araw
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
Ang tatlong rail lines sa Metro Manila ay pansamantalang wala munang operasyon ngayon mahal na araw upang magsagawa ng maintenance activities sa mga coaches at facilities ng mga railways.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay sarado mula March 30 hangang April 4 at magbubukas ng operasyon sa April 5.
Ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ay wala rin operasyon mula March 31 hangang April 4 at magkakaron ng regular na operasyon sa darating na April 5.
Sa March 29, ang unang commercial trip ng LRT 2 ay magsisimula ng 5 a.m. habang ang huling commercial trip sa araw na yon ay 9 p.m. mula Recto station at 8:30 p.m. mula naman sa Santonal station.
Samantala ang Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ay hindi rin magbubukas ng operasyon mula March 31 hanggang April 4 at babalik ang regular na operasyon sa March 5.
Simula March 29 hanggang March 30, ang LRT Line 1 ay magkakaron ng unang commercial trip ng 4:30 a.m. at ang huling commercial ay sa ganap na 10: p.m. na manggagaling sa Baclaran at mula sa Balintawak ay 10:15 ng gabi.
Habang ang Philippine National Railways (PNR) ay sarado mula April 2 hanggang April 3. Sa April 1 ay wala rin operasyon maliban sa Calamba-Tutuban trip.
Mayron naman ibang ruta sa April 4 ang PNR na magbubukas ng operasyon tulad ng Tutuban-Alabang, Tutuban-Calamba, Tutuban-Gov. Pascual, Gov. Pascual-Bicutan, at Naga-Sipocot.
Sa April 5 naman magsisimulang magkaron ng operasyon ang PNR sa mga dating ruta nito. (LASACMAR)
-
CARLA, magiging aligaga na sa paghahanda sa kasal nila ni TOM sa October
MUKHANG aligaga na si Kapuso actress Carla Abellana dahil hindi na magtatagal at ikakasal na sila ng fiancé niyang si Kapuso actor Tom Rodriguez. Pero heto at naka-lock in taping pa siya sa bago niyang teleserye na To Have And To Hold, with Max Collins and Rocco Nacino. Updated nga ni […]
-
Ardina, Pagdanganan sali sa Women’s PGA
NAKAPASOK sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan ng Pilipinas sa susunod na major event ng United States 71 st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 na $3.4M KPMG Women’s PGA Championship sa Oktubre 8-11 sa sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania. Pases nila ang kasalukyang katayuan sa LPGA money lists na […]
-
Ads July 2, 2021