• March 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga recovered patients, partially vaccinated payagang kumain sa mga resto- NTF adviser Herbosa

DAPAT ding payagang kumain sa mga restaurants ang mga indibidwal na naka-recover mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions.

 

Ito ang pahayag ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-ban ang mga unvaccinated individuals na pumasok sa mga restaurants at establisimyento dahil maaaring maka-kontamina ang mga ito sa iba.

 

“Kung ikaw ay nagka-COVID, na-ICU, kahit ikaw ay hindi ka vaccinated, may antibodies ka, so safe rin ako kasama yung mga ganoon. Ang third… yung mga hindi nabakunahan because may allergy sila,” ayon kay Herbosa sa Laging Handa briefing.

 

“So idadagdag ko ‘yun. Fully vaccinated, natural immunity sa dating inpeksyon, at those that cannot be vaccinated because of some medical condition,” dagdag na pahayag ni Herbosa.

 

Samantala, suportado naman ni Herbosa na payagan ang mga unvaccinated individuals sa “outdoors” para mapigilan ang pagkalat ng virus.

 

“I’m sure yang mga restaurant na yan ay nag offer ng al fresco or open air for the unvaccinated. So kung ang kanilang lugar ay closed lang, I think It is safe policy na i-allow lang yung mga vaccinated para may proteksyon yung mga kliente nila,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Tina-try na lang humanap ng saya sa ibang bagay: ERVIC, choice na maging loveless dahil wala pang time makipagrelasyon

    CHOICE ni Ervic Vijandre na maging loveless, o baka wala siyang sapat na panahon para igugol sa pakikipagrelasyon sa ngayon.     Ayon sa konsehal ng San Juan City, “Kasi nga, dahil sa ganito yung mindset ko na pinapahalagahan ko yung mga nasa paligid ko, ng mga opportunity ko, siguro yung mga nakikilala ko, yung […]

  • Gobyerno, susuriin kung gawa-gawa lang ang kakapusan sa asukal

    MAHIGPIT na susuriin ng gobyerno ang mga bodega sa bansa para malaman kung totoo o gawa-gawa lang ang kakapusan sa suplay ng asukal.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang susunod na hakbang ng pamahalaan ay ang  alamin kung ang kakapusan ng asukal ay artificial.     “Subaybayan n’yo po at tuluy-tuloy kasi […]

  • Ads July 27, 2021