• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga sasakyan, inararo ng SUV sa Maynila

INARARO ng isang SUV ang ilang mga sasakyan sa United Nations Avenue sa Maynila , Lunes ng umaga.

 

 

 

 

Sa imbestigasyon, isang tricycle driver at ilang motor rider ang nadamay sa insidente na kapwa isinailalim sa paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat.

 

 

Sa impormasyon, naunang tumama ang puting SUV sa concrete barrier nang bigla na lamang umano itong umangat at nagdire-diretso sa kanto ng UN at Taft Avenue.

 

 

Limang motorsiklo ,isang tricycle at dalawang sasakyan ang nadamay sa insidente.

 

 

Itinanggi naman ng may-ari ng SUV na nakainom ang kanyang driver.

 

 

Ayon sa may-ari, kasasakay lamang niya sa SUV nang bigla na lamang itong “nag-wild” at humarurot.

 

 

Iniimbestigahan na ng pulisya ang driver ng SUV .

 

 

Samantala, umapela ang mga nadamay na motorista na sagutin o bayaran ang napinsala nilang sasakyan .

 

 

Nagpahayag naman ng kahandaan ang may-ari ng SUV na sagutin ang danyos. GENE ADSUARA

Other News
  • Ads February 20, 2024

  • Dahil ‘di nagsabi na makikipag-live in sa boyfriend… OGIE, naging open sa naging sama ng loob sa anak na si LEILA

    NAGING open si Ogie Alcasid sa naging sama ng loob nito sa kanyang panganay na si Leila Alcasid nung makipag-live in ito kasama ang boyfriend na si Mito Fabie.       Si Leila ay anak ni Ogie sa ex-wife na si Miss Australia 1994 Michelle Van Eimeren.       “Ito naman ay open […]

  • Reyes suportado si Leni Robredo bilang pangulo

    NAKAKUHA  ng suporta si Vice President Leni Robredo sa isa pang coach ng Philippine Basketball Association sa katauhan ni Gilas Pilipinas mentor at five-time PBA Coach of the Year Chot Reyes.     Kilala sa paggamit ng terminong “Puso” sa kampanya ng national team sa iba’t ibang international tournament, iginiit ni Reyes sa isang pahayag […]