Mga senador na nagsasagawa ng senate inquiries, habol lang ay exposure- PDU30
- Published on September 14, 2021
- by @peoplesbalita
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador na nagsasagawa ng mga Senate inquiries na habol lamang ng mga ito ay “exposure” dahil sa nalalapit na ang 2022 national elections sa bansa.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Sabado na may iba’t ibang opisyal ng pamahalaan ang nasasayang ang oras at effort sa pagdalo sa Congressional hearings sa halip na gawin ang kanilang trabaho para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Aniya, ang mga imbestigasyon na ito ay maiiwasan kung babasahin muna ng mga mambabatas ang mga “voluminous” reports na ipdadala sa kanila na may kinalaman sa Bayanihan 1 at 2 Laws.
“At the very least, they would have at least cared to read those reports so we could have avoided these hearings… this daily hearing, your honor. They are only on their fifth day, and I think they intend to break the record on the hearing of the Binay investigation for 25 days, your honor. We’re wasting so much time and effort in fighting a pandemic, your honor. We cannot waste a day hearing on all these matters, your honor,” ayon kay Medialdea.
Kinatigan naman ni Pangulong Duterte ang posisyon ni Medialdea sabay sabing isa si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa madalas na pinapatawag sa Congressional hearings.
“Papaano tayo makatrabaho neto kung nandoon kayo? (How can we work if you are all there?) Well anyway, I’ll tell you why. The reason is, it is election time and they want exposure and they think that if they come up with certain corruption cases, true or false, they can get the mileage,” ayon kay Pangulong Duterte.
“The only reason also why we are doing it to them is because they cannot have… Gordon cannot have his cake and eat it too. So, ‘yung tinutumbok n’ya e sasagot ako ,” dagdag na pahayag ng Pangulo ung saan ang tinukoy ay si Senador Richard Gordon, nangunguna sa Senate investigation kaugnay sa di umano’y overpriced pandemic-related goods.
Inakusahan din nito si Gordon nang paggamit kay sinibak na Police Colonel Eduardo Acierto sa kanyang imbestigasyon.
Inaulit naman ni Pangulong Duterte ang kanyang alegasyon laban kay Acierto, sinasabing di umano’y nasa likod ng pag-angkat ng AK-47 rifles, na di umano pa rin ay ibinibigay sa New People’s army (NPA).
BInanggit din ng Pangulo ang di umano’y pagkakasangkot ni Acierto sa importasyon ng shabu na natagpuan sa loob ng magnetic lifters at ang kanyang di umano’y partisipasyon sa extortion o pangingikil sa Chinese businessmen.
“‘Yan ang trabaho ni Acierto (That is Acierto’s job). He is guilty of treason against the country and a criminal at that, and he is being utilized by Gordon… Kaya Gordon sumabay ka na kay Acierto pareha na kayo, halos pareha na ang style niyo,” ayon kay Pangulong Duterte.
“Namumulitika itong si Gordon using itong dubious characters and underworld characters who became a character in police files for committing crimes,” dagdag na pahayag nito.
-
Director Greg Berlanti Praises Scarlett Johansson and Channing Tatum’s Chemistry in “Fly Me to the Moon”
Discover the sizzling chemistry between Scarlett Johansson and Channing Tatum in Greg Berlanti’s Fly Me to the Moon. A stylish blend of comedy, drama, and romance set against the backdrop of the Apollo 11 moon landing. In cinemas July 10. Director Greg Berlanti, renowned for his work on Love, Simon and You, knew […]
-
Taun-taon: Australia, magbibigay ng ‘work, holiday’ visa sa 200 Pinoy
INANUNSYO ng Australian Embassy sa Maynila na magpapalabas ito ng “work and holiday” visas sa 200 Filipino na may edad na 18 hanggang 30, simula sa taong 2024. Kasunod ito ng reciprocal visa arrangement sa pagitan ng Maynila at Canberra. Sa isang kalatas, sinabi ng Embahada na ang Pilipinas ay magiging […]
-
‘Bagong Friendster’, ginagamit para sa phishing- DICT
MALAKI ang posibilidad na ang bagong Friendster ay ginagamit para sa phishing. Sa isang advisory, sinabi ng National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT) ng Department of Information and Communication Technology na makikita sa initial investigation na ang IP address na nagho-host ng bagong Friendster ay natuklasan na mayroong “ previous reports about phishing, brute force […]