Mga tatanggi sa COVID-19 vaccine bakunahan habang natutulog
- Published on October 14, 2021
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin na huwag o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog.
Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus.
“Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin pagtulog at turukan natin habang natutulog para makumpleto ang istorya,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes.
“Kung ayaw, akyatin sa bahay, tusukin sa gabi. Ako ang mag-ano ..turok sa kanila,” ayon sa Chief Executive.
Sinabi naman ni Vince Dizon, deputy chief implementor of the National Task Force Against COVID-19, na nananatili pa rin ang COVID-19 vaccine hesitancy sa far-flung areas o malalayong lugar.
Aniya, kailangan na paigtingin ang information drive upang mipabatid sa mga tao na binabawasan ng bakuna ang tsansa ng pagkahawa o makakuha ng severe case ng COVID-19 gaya na rin sa data mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Base sa FDA records, mayroong 516 breakthrough infections sa hanay ng fully vaccinated individuals sa buong bansa. (Daris Jose)
-
Kasama sana si Sharon pero nagka-aberya dahil sa COVID-19 test” Official trailer ng ‘Easter Sunday’ ng Fil-Am standup comedian na si Jo Koy, napapanood na
PUMANAW na ang tanyag na celebrity makeup artist and stylist na si Fanny Serrano sa edad na 72 nitong May 11. Tita Fanny or TF kung tawagin si Serrano ng mga malalapit sa kanyang sa showbiz. Sa Facebook ng fashion designer na si Dave Ocampo, vice president for External Affairs of […]
-
Parehong pasok ang movie nila sa ’50th MMFF’: ARJO, tumindig talaga ang balahibo nang malamang makakasama si JUDY ANN sa ‘The Bagman’
SA Amerika na naka-base ang sikat na OPM singer na si Ella May Saison. Kuwento niya, “I live with my 2 dogs, I live there peacefully, my life there is so simple, sa Dallas Texas. “Gusto ko yung life na ganun, nakakapag-contemplate ako, nakakagawa ako ng songs, nakakapag-isip ako ng mga […]
-
PETISYON NA KANSELAHIN COC NI TULFO, IBINASURA
IBINASURA ng second division ng Commission on Elections ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni senatorial bet Raffy Tulfo, ayon kay acting Comelec chairman Socorro Inting nitong Miyerkules. Sinabi ng Comelec second division na walang misrepresentation sa COC ni Tulfo nang pangalanan niya si Jocelyn Tulfo bilang kanyang asawa. […]