Mga telco sa bansa, wala nang lusot para manatiling pangit pa rin ang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2- Malakanyang
- Published on September 18, 2020
- by @peoplesbalita
WALA nang puwedeng idahilan para makalusot ang mga telecom companies para hindi gumanda ang kanilang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2 na.
Kabilang kasi sa nilagdaang batas ay ang pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay pansamantalang sinuspinde ang requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng telco at internet infrastructure.
“Kahapon po sinimulan natin iyong paghihimay natin ng Bayanihan II Act or iyong RA 11494. Sinimulan po natin kahapon iyong saan pupunta iyong almost 165 billion na pondo na galing sa kaban ng taumbayan. At ngayon naman po ay tingnan natin ang mga ilan sa mga special powers na ibinigay ng batas sa ating Presidente,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Unang-una po, kasama diyan iyong kapangyarihan na magkaroon ng deployment of critical information and communications technology infrastructure tulad ng additional cell towers, equipment, software at wireless technologies sa buong bansa. Para magkaroon ng katuparan ito, ilan sa mga measures ang mga sumusunod:
Pansamantalang suspension ng requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng telco at internet infrastructure,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Aniya, lahat ng pending at new applications para sa pagpapatayo ng bagong cell sites, cell towers, roll-out ng fiber at iba pa ay kinakailangang madesisyunan sa loob ng seven working days mula sa araw ng matanggap ang date of application.
Kung walang aksiyon ani Sec. Roque ay maituturing na “deemed approved” na ang isang aplikasyon.
“Lahat ng pending at new applications para sa pagpapatayo ng bagong cell sites, cell towers, roll-out ng fiber, paglalagay ng poles, ground terminals at iba pang mga kinakailangang madesisyunan sa loob ng seven working days mula sa araw ng matanggap ang date of application. Ito po ay non-extendable. Ang application na hindi po aaksiyunan sa panahon na iyon ay deemed approved,” aniya pa rin.
Lahat aniya ayon pa rin kay Sec. Roque ay binigay na sa mga service providers kaya wala nang lusot ang mga ito kung palpak pa rin ang kanilang serbisyo.
“Isa lang po ang ibig sabihin nito, wala na pong lusot ang ating mga telecoms providers kung palpak pa rin ang kanilang serbisyo – lahat po nang hiningi nila ay binigay na natin.
Tingnan po natin pagkatapos ng Bayanihan II sa Disyembre ng taong ito, dapat magandang-maganda na ang serbisyo ng mga telecoms company,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Mga ospital sa QC na pag-aari ng gobyerno, inihahanda na ang kanilang mga isolation rooms
NAGTALAGA na raw ang mga ospital sa Quezon City na pag-aari ng gobyerno ng isolation room dahil sa posibleng pagkakaroon ng monkeypox cases sa naturang lungsod. Kasunod na rin ito ng naitalang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Pilipinas. Sa isang statement, sinabi ng Quezon City government na ang Quezon City General […]
-
Junna Tsukii wagi ng gold medal sa world games
NAGWAGI ng unang gold medal sa 12th World Games si Filipina-Japanese Junna Tsukii. Inamin nito na muntik na siyang hindi ituloy ang laban na ginanap sa Birmingham, Alabama noong ito ay talunin ni Morales Gema ng Spain. Sinabi ni Karate chief Ricky Lim na labis ang pagkadismaya ni Junna ng makakuha […]
-
Philippine border hinigpitan na vs ‘monkeypox’
PINAIGTING na ang border control measures sa bansa sa gitna ng banta ng “monkeypox” virus. “We have instructed the BOQ (Bureau of Quarantine) to intensify its surveillance of passengers coming from countries with known cases of monkeypox — mainly from central and west Africa,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III. […]