Mga tinamaan ng mild cases ng COVID 19, limang araw na mas mabilis maka- recover sa sakit dahil sa Virgin coconut oil
- Published on May 10, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG aabot lamang ng limang araw ang mas mabilis na pag- recover mula sa corona virus ng isang indibidwal na tinamaan ng mild symptoms ng COVID 19 gamit ang virgin coconut oil.
Ito ang ibinahagi ni DOST secretary Fortunato dela Pena kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte batay na din aniya sa ikinasa nilang pagsusuri na vitro- trial.
Ani dela Pena na lumabas sa pagsasaliksik na may anti-viral properties ang VCO at may epekto sa SARS-CoV-2 patient na may tinataglay na mild symptoms.
“Dapat po ito’y matatapos na sana pero nagdaan kasi ‘yong panahon na bumaba po ang admission ng severe cases sa PGH kaya dumalang ang participants. Pero ngayon, dumami ulit ang mga pasyente. Iyon pong target 74 patients ay mayroon ng 42. So inaasahan namin na ito ay mapapabilis na rin at malaking bagay po ito kasi iyon pong virgin coconut oil ayon sa aming isinagawang pagsusuri — iyong tinatawag pong in vitro trial — hindi sa pasyente kung ‘di sinubukan lang sa laboratoryo kung ano ang epekto nito sa SARS-CoV-2 ay nakita na talagang siya’y nakaka — may anti-viral properties po siya,” litaniya ni dela Pena.
Sinabi nito na isinagawa ang “in vitro trial” sa isang laboratoryo sa Singapore.
“Isinagawa po iyong study na in vitro sa Singapore. Wala pa po tayong facility para doon. At ito naman po ay mayroong isang katumbas din na study. Kung iyong sa PGH ay sa mga severe cases, ito naman pong isinagawa sa Santa Rosa Community Hospital ay para doon sa mga suspect and probable cases. Actually po hanggang June 2021 pero November po natapos na ito 2020.,” ayon kay dela Pena
“Doon po namin nakita na ang binigyan nung VCO ay mas mabilis gumaling ahead ng five days doon sa mga hindi binigyan. Pero ito po ‘yong mga mild cases lang po ito,” ayon sa Kalihim.
Mayroon din aniya silang isinasagawang trial para naman sa melatonin sa Manila Doctors Hospital.
Aniya pa, ang paggamit ng high dose melatonin paliwanag ni dela Pena ay para sa posibilidad na hindi na umabot pa ang isang pasyente na ma- intubate o umasa sa mechanical ventilation.
“Actually ang melatonin po para doon sa mga gustong makatulog. At ito po ay isinasagawa ng Manila Doctors Hospital. At ito po ay para naman makita ang effectiveness or efficacy, improvement of survival, less need for intubation and mechanical ventilation, clinical improvement and recovery sa paggamit ng high dose melatonin as also as adjuvant therapy on top of the standard or empirical therapy in hospitalized patients,” aniya pa rin.
-
LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil
NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers. Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba […]
-
DOTr naglaan ng P40 billion kontrata sa NSCR line
KINUHA ng Department of Transportation (DOTr) ang Filipino, Indonesian at Spanish builders upang magplano at magtayo ng P40 billion na Manila section ng North-South Commuter Railway (NSCR). Sa isang notice of award, ang DOTr ay naglaan ng Contract Package (CP) S-01 sa isang joint venture ng kumpanyang Indonesia PT Adhi Karya (Persero) […]
-
Pag-IBIG members, makakukuha ng mas maraming benepisyo
MAGANDANG balita para sa mga Pag-IBIG Fund members dahil nakatakdang I-enjoy ng mga ito ang “doubled savings at higher cash loan entitlements” habang patuloy na mayroong access sa abot-kayang home loans, sa kabila ng nakatakdang pagtataas sa monthly contribution rate kapuwa sa mga miyembro at employers nito simula sa susunod na buwan. Sa […]