MGCQ sa buong bansa, kung may 20 milyong bakuna na! – Duterte
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang ekonomiya basta’t umabot sa 20 milyon hanggang 40 milyon doses ang naka-stock na bakuna laban sa COVID-19.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos dumating sa bansa kamakalawa ang bakuna na donasyon ng China.
Sinabi ng Pangulo na hindi kailangang umabot sa 110 milyon ang bakuna.
“Kung mayroon ng — if the vaccine is available to anybody for one reason or another, sa mga probinsiya na-distribute na ‘yan kasi hindi naman mag-abot ng 110 million. Eh sa estimate nila it’s about 40 million. Kung maka-hit tayo ng 40 million o nandiyan na ‘yong vaccine, maski mag — mayroon tayong mga 20, 30, buksan ko na. Buksan ko na dahil sa economy,” ani Duterte.
Sinabi ng Pangulo na lugmok ang ekonomiya kaya dapat mabilisan ang pagpapabakuna.
“I am considering it actually. ‘Pag start… Buksan ko na because there are two things that are really bugging us: it’s the economy and COVID-19. Nakatutok ‘yan. Our economy is really down, as in down. So the earlier na mabilisan itong vaccine, the better,” ani Duterte. Idinagdag ng Pangulo na kailangang kumain, magtrabaho ay magbayad ng mga bills ang mga mamamayan na mangyayari lamang kung bukas ang ekonomiya upang lumago ang mga negosyo
Sinabi ng Pangulo na isang milyon doses ng bakuna ang inaasahan ngayong buwan at kailangang magkaroon ng 2 milyon doses para mailagay sa modified general community quarantine ang Metro Manila.
Pero kung magkakaroon aniya ng maraming bakuna ay bubuksan lahat ng Pangulo ang mga negosyo.
-
LOCKDOWN SA MAYNILA, PINAGHAHANDAAN
NAGHAHANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang posibleng pagpapatupad ng lockdown sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa. Nagpatawag ng emergency meeting si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at iba pang local government health officials […]
-
Pagbakuna sa 35.5 milyong workers kasado na
Kasado na ang pagbakuna sa 35.5 milyong manggagawa kung saan prayoridad ng pamahalaan na unahin ang nasa edad 40-taong gulang pataas sa ilalim ng A4 group sa nagpapatuloy na ‘vaccination program’ sa bansa sa darating na Hunyo. Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na mas uunahin nila ang mga mas nakatatanda sa ‘working […]
-
ICC prosecutor, hiniling sa korte na tanggihan ang apela ng Pilipinas
HINILING ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan sa ICC Appeals Chamber na tanggihan ang apela ng Pilipinas sa desisyon na pahintulutan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay sa drug war killings sa Pilipinas. Sa 59 pahinang dokumento na may petsang Abril 4, sinabi ni Khan na nabigo ang gobyerno na magpakita ng […]