• February 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miami Heat, tinambakan ng Blazers

HINDI nakapalag ang Miami Heat sa Portland Trailblazer sa kabila ng 4th-quarter scoring run ng koponan.
Pinangunahan ni Portland small guard Anfernee Simons ang Blazers at kumamada ng 24 points habang 22 points at 15 rebounds naman ang ini-ambag ng sentrong si Deandre Ayton.
Limang iba pang player ng Portland ang nagbuhos ng tig-double-digit points.
Sa unang tatlong quarter ng koponan, hawak na ng Portland ang 20-point lead, 97 – 77.
Ipinakat naman ng Miami ang 4th quarter scoring run at nagawang magbuhos ng 30 points sa loob ng 12 mins. Tanging 19 points lamang ang naiganti rito ng Blazers.
Gayunpaman, hindi pa rin naging sapat ang scoring run ng Miami upang burahin ang 20-point 3rd quarter lead ng Portland.
Nagtapos ang laban, 116 – 107, pabor sa Portland.
Nalimitahan lamang sa 13 points si Miami star Jimmy Butler habang 20 points at 16 rebounds ang idinagdag ng sentrong si Kel’el Ware.
Bumagsak na sa 21-21 ang Heat kasunod ng pagkatalo habang hawak naman ng Blazers ang 15 – 28 win-loss record.
Other News
  • PNP trucks, choppers at speedboats naka-standby na para sa Covid-19 vaccine delivery – PNP chief

    Inalerto ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang apat na Helicopter PNP Special Action Force at 200 speedboat ng PNP Maritime group para gamitin sa paghahatid ng bakuna sa munisipyo sa labas ng Metro Manila.     Ayon sa PNP Chief, ito’y alinsunod sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Año sa PNP na tumulong sa […]

  • Bagong challenge ang mag-portray ng isang serial killer: PIOLO, ngayon palang masusubukan ang ultra bad na character

    SA totoo lang, super enjoy panoorin si Dingdong Dantes hosting Family Feud.     Mahusay si Dong makipag-interact sa kanyang mga guests. At kung minsan ay may halong comedy pa ang banat niya ng punchlines.     Kung contestant ka, para makakampante ang feeling mo at ‘di ka kakabahan kasi very engaging host si Dong.   […]

  • Ads December 5, 2022