MIGUEL at YSABEL, pinaghandaan ang pagganap bilang Steve at Jamie; kumpleto na ang mga bida ng ‘Voltes V: Legacy’
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
KUMPLETO na ang limang bida ng Voltes V: Legacy dahil ini-reveal na last Wednesday ng GMA Network sa 24 Oras ang napiling magbibigay buhay kina Steve Armstrong at Jamie Robinson.
Si Miguel Tanfelix nga ang napiling gumanap bilang Steve, ang Voltes team leader at piloto ng Volt Cruiser at si Ysabel Ortega naman ang masuwerteng nakapasa sa audition para sa role ni Jamie, ang piloto ng Volt Lander.
Ayon sa pahayag ng Kapuso actor, “Ang sarap sa pakiramdam, para akong nasa cloud 9 at tuwing gigising ako sa umaga I’m so pumped eh.
“Si Steve, lider siya eh, alam ko kung paano umasta bilang isang lider, paano ‘yung confidence niya and of course nagbabasa din ako ng books about leadership at nakikinig ako ng podcast.”
Halos isang taon na pinaghandaan ni Miguel ang inaabangang serye at panigurado niya, “Babalik iyong pagkabata ninyo, maaalala ninyo ‘yung moments ninyo habang pinapanood ang Voltes V.
“At sa kahenerasyon ko ngayon, ipaparanas namin kung ano nararamdaman ng nanay at tatay ninyo habang pinapanood ang ‘Voltes V’ with a different flavor, paparamdam namin sa inyo iyong lungkot, saya, epicness at marami pang iba.”
Kuwento naman ni Ysabel na tiyak na kaiingitan ng ibang Kapuso star, “Even before na mag-start pa ‘yung official training namin, gusto ko na magkaroon man lang ng konting background sa martial arts, sa kick boxing, sa Muay Thai. So I can say na now I’m more than ready.”
Dagdag pa ng anak nina Lito Lapid at Michelle Ortega, “Voltes V has a lot of meaning to its story its not just about family its not just about fighting for what you believe in its about serving your country, its about being a hero in your own way and i would like to be in that position to inspire a lot of people.”
Noong Lunes ang tatlong miyembro ng Voltes V na ipinakilala ay sina Radson Flores bilang si Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong at si Rafael Landicho bilang si Little Jon Armstrong.
Ngayong gabi (February 12), paparating na ang mga kalaban, dahil makikilala na rin kung sino ang napiling gumanap bilang pinuno na si Prince Zardos at isa sa mga utak ng Boazanian Forces na si Zandra.
***
NAG-APOLOGIZE pala si Liza Soberano sa kanyang naging reaction sa movie poster ng Tililing ng Viva Films.
Last Monday, February 8, nag-tweet nga ang Kapamilya actress ng kanyang opinyon sa naturang movie poster.
Sey ni Liza, “Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”
Dahil sa matapang na statement ni Liza, magkahalong reaksyon ang natanggap niya, kaya maging ang director ng movie na si Darryl Yap ay nag-react.
Sa Facebook page ng VinCentiments pinost ni Darryl, “Sa iyo Miss Liza Soberano, ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang, hindi ka namin bibiguin.”
Dagdag pa niya, “Kapag napanood niyo na po ang #Tililing ay mauunawaan ninyo bakit ito ang titulo, bakit nakalabas ang kanilang dila; at bakit namin tinitindigan ang kalidad at mensahe ng pelikula. Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya.”
Ipinagtanggol naman ni Baron Geisler (isa sa bida ng Tililing) si Liza sa mga bashers dahil sa kanyang saloobin.
Post ng aktor, “Please don’t bash Liza. Please be kind. Sometimes we get overprotective with our advocacies. She did not mean to look down on the poster. I believe she meant well folks. Please be kind. Masakit ma-bash naranasan natin lahat Yan one way or another.”
Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Liza kay Baron sa kanyang twitter post at nag-sorry kung meron siyang na-offend.
“Thank you kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were misinterpreted.
“I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best. Looking forward to seeing it,“ pahayag pa ni Liza. (ROHN ROMULO)
-
KAILANGAN ang MALINAW na POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT!
Ordinansa ng mga LGU na nagmumulta o nagpapataw ng parusa sa walang faceshield. Kailangan ba? Nabuksan ulit ang issue ng mandatory na pagsusuot ng faceshield nang mag-viral ang panghuhuli ng ilang enforcers sa mga pasahero ng bus kung saan ay pinababa ang mga pasahero at minultahan ang mga ito base sa isang ordinansa. […]
-
Torralba nagpaturok na
IBINUNYAG ni virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 aspirant Joshua Torralba na naturukan na siya laban para sa Coronavirus Disease-19 sa Estados Unidos. “I actually got the vaccine so I’m more safe,” bulalas ng Rio Grande Volley Vipers trainer at dating manlalaro ng Makati Super Crunch sa Maharlika Pilipinas Basketball League […]
-
“Ipagpatuloy natin ang pamana ng Kongreso ng Malolos—isang pamana ng tapang, pagkakaisa, at hindi matitinag na pangako sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang pamana ng Bulacan ay nagpapaalala na ang isang malakas na bayan ay itinayo sa mga haligi ng kalayaan, katarungan, at soberanya—mga pagpapahalagang dapat nating ipaglaban at ipagpatuloy. Nawa’y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na, habang ipinagpapatuloy natin ang laban para sa ating soberanya at patuloy naitaguyod ang responsableng […]