MIKEE, umaming naging gamot ang ‘BTS’ nang dumaan sa matinding krisis dahil sa pandemya
- Published on August 18, 2021
- by @peoplesbalita
ANG South Korean boy band na BTS ang naging gamot ng Kapuso actress na si Mikee Quintos noong dumaan siya sa isang matinding krisis dahil sa pandemya.
Kuwwento ng isa sa music artists ng GMA Playlist, nagsimula siyang mag-collect ng BTS mechandise dahil napapagaan nito ang kanyang kalooban. Masaya raw siya tuwing may nabibili siyang anumang merchandise ng BTS, kasama na roon ang isang signature drink na hindi niya binuksan.
“In the middle of lockdown you have a lot of time to think, nagka-crisis ako. Umabot ako sa point na inisip ko kung gusto ko pang mag-artista. Tapos bumalik yung fire ko, yung drive ko after watching them (BTS), and hearing about them, yung story nila na how they started. It was really hard nung umpisa.
“And look at them now. Ok if they can do that and they’re still humble so parang what’s wrong with starting again. When I see it in the store I buy it. Kasi napapa-happy ako, support ko ‘to sa kanila. Kikita sila rito kapag bumili ako,” kuwento ni Mikee.
Kaya muling nabuhayan daw si Mikee na ipagpatuloy ang kanyang career sa showbiz and at the same time, pinagpapatuloy din niya ang kurso siyang architecture sa University of Santo Tomas.
Napapanood si Mikee sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at magsisimula na siyang magsulat at mag-record ng original songs para sa GMA Playlist.
***
TIYAK na matutuwa ang mga #TeamBahay na mommies at kids dahil simula August 21 ay mapapanood muli ang edu-tainment show na Makulay ang Buhay kasama sina ‘Mom C’ Camille Prats, Benjie, at Penpen every Saturday at Tuesday mornings sa GMA.
Hatid ni ‘Mom C’ Camille at ng kanyang kasamang dalawang puppets—si Benjie na isang nine-year-old grade-schooler at ang cute na cute na dog best friend nitong si Penpen—ang umagang siksik sa masasayang music videos, nakaaaliw na kuwento, iba’t ibang games, at other activities na talaga namang mae-enjoy ng parents at kids habang safe na nasa loob ng mga tahanan.
Tampok din sa Makulay ang Buhay ang engaging na discussion tungkol sa effect ng gadgets, food safety at foodborne diseases. Paano nga ba natin masisigurado na nutri-sarap ang ating inihahandang pagkain para sa ating mga anak?
Sagot na ‘yan nina ‘Mom C’ Camille na magbabahagi ng mga pwedeng i-prepare na pagkain gamit ang gulay na pamilyar sa ating lahat!
Kaya naman, gumising na nang maaga at makisaya kay ‘Mom C’ Camille, Benjie, at Penpen sa Makulay ang Buhay tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8 a.m., simula August 21 sa GMA Network.
(RUEL MENDOZA)
-
P102-M halaga ng shabu nasabat ng PNP at PDEA sa Malate, Manila; Chinese national arestado
Arestado ng mga operatiba ng PNP at PDEA ang isang Chinese drug suspect sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Malate, Manila kung saan nasa P102-million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa kaniyang posisyon. Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang naaresting Chinese national na si CHEN ZHINZUN/Yu Sison Tabuen “a.k.a” […]
-
Hinihimas lang dati ang mga trophies ng Superstar… LOTLOT, nakasungkit na rin ng ‘Gaward URIAN’ tulad nina NORA at JANINE
TOP winner ang ‘On The Job: The Missing 8’ sa katatapos lamang na 45th Gawad URIAN Awards na ginanap noong Huwebes, November 17 sa Cine Adarna ng UP Film Institute. Humakot ng siyam na awards ang pelikula kasama rito ang Best Picture (ka-tie ang ‘Big Night’), Best Director (Erik Matti), Best Actor (John Arcilla), […]
-
WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa. Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37. Sinabi […]