• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Militanteng grupo humiling kay PBBM na suspendihin ang LRT 1 fare hike

ANG mga pinagsamang grupo ng militante ay hinamon ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa pagpayag ng magkaron ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT1).

     Dahil dito ang grupo ay naghain ng isang petisyon kay President Ferdinand Marcos, Jr. upang huwag ng ituloy ang nasabing taas pasahe noong nakaraang Lunes.

     Noong nakaraang February pa nagbigay ng anunsiyo ang DOTr tungkol sa pinayagang pagtataas ng pamasahe sa LRT 1.

     Mula sa dating pasahe na P15, magiging P20 na ang minimum na pamasahe at ang maximum naman ay magigin P55 mula sa dating P45 para sa single journey na sinimulan ngayon Miyerkules, April 2.

     “The proposed increase will be an added burden to commuters because it imposes substantial financial burdens on the approximately half million daily commuters of LRT1 and most of whom are students and workers,” saad sa petisyon.

     Ang mga naghain ng petisyon at lumagda ay sina PISTON president Mody Floranda, labor leader Jerome Adonis, Bayan president Renato Reyes, Jr., at urban poor leader Mimi Doringo. Kasama rin bilang mga petitioners ay ang Advocates for Inclusive Transport (PARA) at Anakbayan.

     Ayon sa mga appellants, and DOTr ay nabigong magbigay ng breakdown ng fare adjustment based sa distance kung kaya’t tinanatong ng grupo ang “financial capacity” nito kung bakit nagtaas.

     Saad din ng grupo na hindi nabigyan ng tamang pagpapaliwanag at justification ng DOTr ang pagkakaron ng contractual obligation upang magtaas ng pamasahe ng 10.25 porsiento kada ikalawang taon ang LRT 1.

     Ayon sa grupo na kung pinayagan ng DOTr simula 2014 na magkaron ng 10.5 porsientong pagtaas ng pamasahe kada ikalawang taon, ang mga sumasakay ay tiyak na nagbabayad ng ngayon ng mas mataas pa sa 160 porsiento. Kung kayat maaaring sa darating na 2046, ito ay maaaring maging triple pa.

Subalit hindi pinayagan ng DOTr na magkaron ng pagtataas ng pamasahe dahil hindi pinagbigyan ang petisyon ng LRMC noong 2016, 2018, at 2020.

     Apat na kahilingan ang nilagay ng mga petitioners sa kanilang appeal. Ito ay ang rejection at suspension ng pinayagang latest fare hike; pagputol ng kasunduan sa pagitan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) – Light Rail Manila Corporation (LRMC) dahil sa risk mula sa public debt kapag patuloy pa rin ang pagtaas ng pamasahe at dahil ang nasabing pagtataas ay unconstitutional din. Dapat rin ay magkaroon ng re-evaluation ang polisia tungkol sa privatization kung saan dapat ay mas bibigyan ng priority ang public service kaysa upang kumita. Ang huling hiling ng grupo ay dapat magkaron ang DOTr at LRMC ng disclosure ng financial statements at revenue data sa publiko.

     “While we recognize that contractual agreements generally serve as binding law between the parties involved, it should only apply when such agreements grant private rights and responsibilities,” dagdag ng grupo.

     Ang LRT Line 1 ay may operasyon mula sa lungsod ng Caloocan, Quezon, Manila at Paranaque na pinamamahalaan ng LRMC sa ilalim ng concession agreement sa pagitan ng pamahalaan at LRMC.

     Ang nasabing kasunduan na sinimulan noong 2014 ay tatagal hanggang 2046 at kasama sa mga probisyon ay ang pagpapalawak ng mga inprakstura tulad ng pagpapahaba ng rail system mula Baclaran hanggang Cavite. Ito ay kasama sa Philippine Development Plan ng pamahalaan. LASACMAR

Other News
  • Proklamasyon ng mga nanalong party-list, sabay-sabay na ipoproklama sa Mayo 25 – Comelec

    POSIBLENG sabay-sabay na ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga nanalong party-list groups.     Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, kapag natapos na raw ang special elections sa Lanao del Sur at kung hindi na makakaapekto sa bilangan ang mga certificate of canvass mula sa Shanghai sa China […]

  • Ads June 27, 2023

  • Gobyerno, handang magbenta ng iba pang ari-arian sa Japan

    MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat […]