Milyon-milyon na ang views ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: Kinakikiligang tambalan nina WILBERT at YUKII, patuloy na tinatangkilik
- Published on June 13, 2023
- by @peoplesbalita
PITONG linggo na ang nakakaraan mula noong lumabas ang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile mula sa Puregold Channel, at mula noon, nakakuha na ng milyon-milyong views ang serye–sa mga teaser at episode nito.
Lumawak na rin ang mga tagapagtangkilik ng kapana-panabik na tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi).
Malinaw na malinaw mula sa mga numero ang lahat: bawat episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay nakakalikom ng 90,000 hanggang 171,000 views, habang 160,000 hanggang 186,000 naman para sa bawat trailer. Kung lalahatin, 12.3 milyon na ang views sa Facebook at YouTube. Dagdag pa rito, ang opisyal na hashtag na #anglalakisalikodngprofile ay mayroon nang higit sa 12 milyon na views sa Tiktok. Napatutunayan lamang nito na walang makatatalo sa mahuhusay na kuwentong pag-ibig, at ang kilig nitong dala-dala.
Walang pagdududa na inaabangan na ng mga manonood ang bawat bagong episode tuwing Sabado nang gabi, at nakatutok sa pag-unlad ng kuwento.
Dahil sa pagpapakita ng tradisyonal na mga paniniwala at gawi ng mga Pilipino, at ng modernong mga karanasan sa online dating, kumapit ang mga manonood sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Sa naratibong mayroong saya, pagpapatawa, at kilig, nakikilahok ang fans sa paghihirap at ligaya ng mga tauhan.
Bakas din sa mga komento ang epekto ng serye sa mga manonood.
Sabi ni Lavender Gurl sa Episode 7, kung saan nagkita na sina Bryce at Angge, “Grabe, sobrang kilig ko na nagkita na sila! Love love love it to the max over! Sana matagal pa matapos. Ang ganda ng songs at ang linis ng quality ng video. Bagay talaga sila.”
Dagdag naman ni Grande Sorella Vlog, “Finalmente! Nagkita rin sila. I love it! Thanks Ninang Puregold. Naku, ituloy niyo na po ang kilig ha. Huwag na kayong maging bitter, char! Waiting for the next episode.”
Si Jamil De Torres, masayang naghihintay sa bawat episode. “Excited na sa episode 8. Nagkita na sila, grabe. Kapana-panabik naman ang story, paganda nang paganda!”
Pagbibiro ni Dorothy Joy Emiliano, “Mas excited pa ako dito sa series na ito kaysa sa sahod ko, promise.”
Paniniwala ng Puregold, itong napakaraming views at nakakatuwang mga komento ay testamento ng mahusay na content na nagagawa ng channel.
Pahayag ni Ivy Piedad, Marketing Manager ng Puregold, “Ipinagmamalaki namin ang impact ng serye sa mga manonood. Ito ay tunay na repleksyon ng dedikasyon ng Puregold sa paggawa ng dekalidad na retailtainment. Mahalaga at nakakokonekta ang mga Pilipino sa mga kuwentong inilalatag ng Puregold Channel, at masaya kaming maramdaman ang kanilang positibong pagtanggap.”
Sa Episode 8 (napanood na noong Sabado, Hunyo 10), lumipat na sina Angge at Bryce mula sa digital na mundo, tungo sa totoo at pisikal na espasyo.
Kikiligin ba ang dalawa? Uunlad ba ang kanilang pagkakaibigan sa pag-iibigan? May manunumbalik ba mula sa nakaraan at magsisilbing pagsubok sa namumuo nilang relasyon?
Para sa kasagutan ay ulit-uliting panoorin ang nakakikilig na episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa opisyal na Puregold Channel sa YouTube.
Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa iba pang updates, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok.
(ROHN ROMULO)
-
Serantes bumalik sa pagamutan
NAGBALIK sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ang 1988 Seoul Summer Olympic Games men’s boxing bronze medalist na si Leopoldo Serrantes dahil sa dati at matagal na niyang karamdamang pulmonya at sa sakit sa puso. Pinabatid ng Philippine Sports Commission ang kalagayan ng 58-anyos at may taas na 5-2 na bayani ng […]
-
CBCP, nais magkaroon ng public consultation ukol sa ‘revival calls’ ng death penalty reimposition
Nais ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magkaroon ng public consultation kaugnay sa muling pagpapanumbalik ng parusang kamatayan. Reaksyon ito ng CBCP makaraang manawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address kahapon na magpasa ng batas para maibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection […]
-
Ads October 10, 2023