• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mindanao ihiwalay na sa Pilipinas – Duterte

INIHIRIT ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

 

 

Sa pulong balitaan sa Davao, sinabi ng dating Pangulo na ito ay maisasagawa sa pamamagitan nang pagkalap ng mga pirma.

 

 

Kasabay naman ng panawagan ni Digong dumistansya ang mga senador sa plano na isulong ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

 

 

Sa ambush interview, tumanggi sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na magkomento sa nais na mangyari ni Duterte.

 

 

Kapwa taga-Mindanao sina Zubiri at Pimentel.

 

 

Pero sinabi rin ni Zubiri na “with due respect” sa dating Pangulo, hindi kailangan ngayong pag-usapan ang isyu na magiging dahilan lamang ng pagkakagulo at pagkakawatak-watak.

 

 

Hiniling din ni Zubiri na mag-slow down o maghinay-hinay muna ngayon sa away dahil ang importante ay ang kapakanan ng bayan.

 

 

Ipinunto rin ni Zubiri na ang ganitong mga labanan ay hindi makakabuti sa bansa at sa mga susunod na henerasyon.

 

 

Ayon naman kay Pimentel, kailangang masusing pag-aralan ang gustong mangyari ni Duterte pero binigyan diin na tutol siya sa anumang mungkahi para sa secession o paghihiwalay ng alinmang bahagi ng teritoryo ng bansa.

 

 

Sinabi naman ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi uubra sa ilalim ng Konstitusyon ang gusto ng dating pangulo na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Suspek sa textbook procurement, arestado ng NBI

    ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa P24 milyong textbook procurement anomaly noong 1998 na una nang itinuturing na patay.   Si Mary Ann Maslog ay inaresto noong September 25 matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa isang Jessica Francisco .   Sa imbestigasyon nadiskubre ng awtoridad na si Maslog […]

  • VILMA at DINGDONG, pangungunahan ang maningning na Gabi ng Parangal ng ‘4th EDDYS’ sa April 4

    PANGUNGUNAHAN nina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes ang maningning na gabi ng parangal ng 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa bago nitong streaming date sa April 4, Easter Sunday, 8 p.m., sa FDCP […]

  • Konstruksyon ng Muslim-Christianity Unity Highway, pirmado na ni PDu30

    NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang  RA 11602  para sa konstruksyon o pagtatayo ng  Muslim-Christian Unity Highway.     Ang mandato ng batas ay konstruksyon o pagtatayo ng national highway mula  Lanao del Norte Interior Circumferential Road sa Munisipalidad ng Tagoloan, Province of Lanao del Norte patungong Munisipalidad ng Talakag, Province of Bukidnon, na […]