Ministry of Defense, naglunsad ng imbestigasyon sa leak ng detalye sa 250 Afghan interpreters
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinag-utos ni British Defence Secretary Ben Wallace ang agarang imbestigasyon matapos na malabag ang data privacy ng nasa mahigit 250 Afghan interpreters na dating naninilbihan sa UK military forces.
Inamin ng Ministry of Defence (MoD) na nagkaroon ng leak sa mga impormasyon hinggil sa email address ng mga Afghan interpreters na humihiling ng relocation sa UK at humingi ng paumanhin sa nagawang paglabag at sinigurong hindi na ito mauulit pa.
Ayon sa MoD na mahigit 250 Afghans ang nag-a-apply sa UK sa pamamagitan ng Afghans Relocations and Assistance Policy (Arap) scheme na tumutulong sa mga Afghans na nananatili pa rin sa Taliban controlled country kung saan aksidenteng nakopya ang kanilang mga detalye gaya na lamang ng kanilang profile pictures, contact details sa email ng Ministry of Defence.
Karamihan sa mga ito ay nasa Afghanistan pa habang ang iba naman ay tumakas at kasalukuyang nagtatago
-
Buwenamanong gold ng Pinas
IBINIGAY ni Mary Francine Padios ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games makaraang magwagi sa women’s pencak silat seni (artistic/form) tunggal single event sa Bac Tu Lien Gymnasium sa Hanoi, Vietnam. Humugot ang 17-anyos na tubong Kalibo, Aklan ng lakas ng loob mula sa kanyang amang nakaratay ngayon sa […]
-
P500 ayuda sa mahihirap ibibigay na ngayon – DSWD
NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatanggap na ng ilang mga mahihirap na kababayan ang ipinangako na P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa. Target ng DSWD na maibigay sa 12.4 milyong Pilipinong benepisyaryo sa […]
-
Isinusulong pa rin ang responsible pet ownership: CARLA, nais isabatas na ipagbawal ang animal cruelty sa set
WINNER ang nais ni Carla Abellana na mabigyan ng proteksyon ang mga hayop na napapanood o na gumaganap sa mga teleserye at pelikula. Katuwang ni Carla sa adbokasiya ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), na nagnanais na isabatas na ipagbawal ang animal cruelty sa set, at hindi rin dapat ginagamit bilang props ang […]