Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez, pinuri ng Malakanyang
- Published on December 14, 2021
- by @peoplesbalita
PINURI ng Malakanyang si Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez para sa pagbibigay kasiyahan sa mga mamamayang Filipino at karangalan sa bansa sa katatapos lamang na 70th Miss Universe competition sa Israel.
Isang miyembro ng armed forces, isang atleta at youth advocate, si Ms. Gomez ay maituturing na “inspiring figure” kung saan ang naging partisipasyon sa Miss Universe ay nagbigay-daan sa buong mundo na makita kung ano ang mga masasaksihan sa filipino sa bansa, araw-araw.
“We wish Beatrice all the best in her future plans and undertakings. We are all proud of you,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Samantala, nabigo naman si Gomez na makapasok sa Top 3 ang representative ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 pageant.
Umabot hanggang sa Top 5 finalists ang Pinay beauty queen kasama sina Miss Paraguay Nadia Ferreira, Miss India Harnaaz Kaur Sandhu, Miss South Africa Lalela Lali Mswane at Miss Colombia Valeria Ayos.
Maraming nagkomento na hindi sila masyadong na-impress sa naging sagot ni Bea sa ibinigay na tanong sa kanya na may kinalaman sa COVID-19 vaccine.
Ang tanong ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere kay Miss Philippines, “Given the ever-changing COVID situation, what is your opinion of mandating a universal vaccine passport?”
Aprub daw ito kay Bea kung kinakailangan, “Public health is everyone’s responsibility. To mandate vaccine inoculation is necessary.
“If mandating vaccine passport will help us in regulating the rollout of vaccines and mitigate the situation of the pandemic, I agree in mandating the passport vaccination,” sagot pa ng Cebuana beauty queen.
Na-shock at nanghinayang din ang backstage hosts na sina Miss USA 2019 Cheslie Kryst at TV star Carson Kressley na hindi nakapasok sa Top 3 si Bea. (Daris Jose)
-
Provincial buses muling pinayagan sa EDSA
MULING pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga kung saan magkakaron ng dalawang linggong dry run na nagsimula noong Huwebes ng gabi. Sa isang pahayag ng MMDA sinabi nilang ang kanilang desisyon ay ayon sa isang resolusyon […]
-
2 drug pushers timbog sa P408K shabu
AABOT sa 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga sa mahigit P.4 milyon ang nakumpiska ng pulisya mula sa dalawang umano’y notoryus drug pushers sa buy- bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dahil dito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit […]
-
ALDEN, inamin na ang character sa ‘TWBU’ ang pinaka-special kaya nahihirapang bumitaw
MAY pa-surprise si Cassy Legaspi sa kanyang kakambal na si Mavy Legaspi. Laging emotional si Carmina Villarroel sa tuwing magla-lock-in taping ang mga anak niya. Talagang kahit ikalawa, ikatlong beses na magla-lock-in ang mga ito, hindi pa rin niya mapigil ang pag-iyak. Dumating na si Mavy mula sa lock-in taping ng […]