Miss Universe HARNAAZ SANDHU, stand-out at hinangaan sa Q & A: India, muling nagwagi after 20 years
- Published on December 15, 2021
- by @peoplesbalita
AFTER 20 years, muling nagwagi ang India ng Miss Universe crown and title at ito ay napagwagian ng 21-year old na si Harnaaz Sandhu.
Huling nagwagi ang India ng Miss Universe crown ay noong 2000 at si Lara Dutta ang Miss India. Una naman silang nanalo ay noong 1994 with Sushmita Sen representing India sa Miss Universe na ginanap sa Pilipinas.
Kinabog ni Sandhu ang 79 candidates mula sa iba’t ibang bansa para sa korona ng Miss Universe na ginanap sa Eliat, Israel. Naging kontrobersyal ang Miss Universe ngayong taon dahil may group na gustong ipa-boycott ang naturang pageant at nagkaroon pa ng pangamba sa Omicron variant ng COVID-19.
Pero walang nakapigil sa taunang inaabangan ng maraming beki at beauty pageant fans. Kinatuwa ng maraming Pinoy sa Israel ang pagpasok ng ating Miss Philippines na si Beatrice Luigi Gomez mula Top 16, Top 10 at Top 5.
Sa simula pa lang ng pageant ay standout na si Miss India dahil bukod sa ganda nito ay very articulate. Bilang isang public administrator, ang advocacy ni Miss India ay ang “sustainability and limiting one’s carbon footprint.”
Bukod sa kanyang trabaho, isa rin siyang working model and actress. Bago ang Miss Universe, nakatapos siyang gumawa ng dalawang Punjabi films na Yaara Diyan Poo Baran and Bai Ji Kuttange na parehong ipalalabas sa 2022.
Nakatapos din si Miss India ng Information Technology and is taking up her Master’s degree.
Pinahanga ni Miss India ang marami sa sagot niya sa Top 5 question na: Many people think climate change is a hoax. What would you do to convince them otherwise?”
Sagot niya ay: “Honestly, my heart breaks to see how nature is going through a lot of problems and to all irresponsible behavior. And I totally feel that this is the time to take actions and talk less because each action could either kill or save nature. Prevent and protect is better than repent and repair and this is what I’m trying to convince you guys today.”
Sa final question sa Top 3, heto ang tanong: “What advice would you give dvice to young women watching on how to deal with the pressures they face today?”
Sagot niya: “Well, I think the biggest pressure the youth is facing today is to believe in themselves. Let’s stop comparing yourselves to others and let’s talk about more important things that are happening worldwide. I think this the thing you need to do for yourself — come out, because you are the hero of your own. You have a life of your own. I believed in myself and that’s why I’m standing here today.”
First runner-up si Miss Universe Paraguay Nadia Ferreira, na isang business owner at second runner-up si Miss Universe South Africa Lalela Lali Mswane, na isang vocalist and model.
***
NAKAUWI na rin si Wendell Ramos sa kanilang bahay pagkatapos ng 85-day lock-in taping para sa book 2 ng GMA teleserye na Prima Donnas.
Sabik na sabik ang aktor na makarga ang newly born baby girl niya na si Mary Mardell Ann Ramos na pinanganak noong October 27 habang nasa lock-in taping siya.
Hanggang sa video call lang daw nakikita ni Wendell ang kanyang bagong baby, kaya noong matapos na ang taping, diretso uwi ang aktor para makita na ng personal ang baby girl niya.
Sinalubong din si Wendell ng 15-year old daughter niya na si Tanya na isang certified Daddy’s Girl dahil niyakap niya ng mahigpit ang kanyang daddy na na-miss niya for three months.
Post ni Wendell sa kanyang Instagram: “Happy to see my Unica Hijas #blessedandgrateful #glorytogod”
Thankful si Wendell na natapos nila ang taping ng buong teleserye bago mag-Christmas. Kaya magiging relax na siya at ang ibang cast ng Prima Donnas sa pagpasok ng 2022.
***
LAST James Bond movie na raw ni Daniel Craig ang No Time To Die.
Puwede na raw silang maghanap ng next James Bond.
“I’m very happy that I’ve got here and I’m very happy that I got a chance to make one more movie. I’m very proud of it, I’m credibly proud of all of the movies and all of the work we’ve done. But it’s time to move on,” diin ni Craig.
Tinapos daw nila ang shooting ng movie sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Thankful ang aktor na hindi sila pinabayaan ng buong film production, lalo na kung may ginagawa siyang mabibigat na eksena na buwis-buhay.
“I don’t get scared because I work with these like, the stunt team that we work with is so professional and brilliant. They look after me. But sometimes I get nervous if I’m standing on the top of a high place, or I have to jump off something, I get nervous. But it’s all good,” sey pa niya.
Kung maging safe na raw mag-travel ulit, nais ni Craig na magbakasyon ulit sa Pilipinas. Nakarating na siya ng Pilipinas noong 2012 nang samahan niya ang kanyang misis na si Rachel Weisz noong mag-shoot ito ng pelikulang The Bourne Legacy sa Manila at Palawan.
“My wife was filming in he Philippines and I was with her. Oh it’s a long time ago now. It was beautiful, I had a lovely, lovely time. I would love to come back in the Philippines,” sey pa ni Craig.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Maging leksiyon sa lahat!
NASUGATAN sa unang linggo ng buwang ito si dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho. Buhat ito sa pagpa-prank holdup ng 30-anyos, may taas na 5-4 at Tsinitang balibolistang tubong Maynila sa isang mall sa kapwa ABS-CBN reporter na si Jorge Cariño. Sa social media post ng former Petron Blaze Spikers at television […]
-
Influencers hinikayat: ‘Wag i-endorso iligal na online gambling sites
PANAWAGAN ng isang grupo na itigil ng mga online influencers ang kanilang pag-endorso sa mga iligal na online gambling sites. Binanggit ng Digital Pinoys, isang grupo ng mga digital advocates, na dapat mas isipin ng mga online influencers ang mapahamak na epekto ng unregulated gambling operators sa mga nagiging biktima nito. […]
-
Pagbalik muli ng ‘NCR Plus’ bubble, iminungkahi ng OCTA vs Delta variant
Naniniwala ang OCTA Research Group na ang pagpapatupad muli ng “NCR (National Capital Region) Plus” bubble sa Metro Manila at karatig probinsiya ay malaking tulong para maprotektahan ang mga lugar sa pagkalat ng Delta variant ng Coronavirus Disease 2019. Ito’y habang patuloy na nakabukas ang ekonomiya ng bansa. Una nang nagbabala ang Department […]