Mister, huli sa akto sa baril sa Caloocan
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
KALABOSO ang 45-anyos na lalaki matapos maaktuhan ng mga nagpapatrulyang kapulisan habang sinusuri at hinihimas pa ang hawak ng baril sa Caloocan City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang suspek na si alyas ‘Wilfredo’.
Ayon kay Col. Canals, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 7C Bagong Silang, Brgy. 176C, nang matiyempuhan nila ang suspek na seryosong sinusuri at hinihimas pa ang hawak ng kalibre .38 Armscor revolver na may serial number 931048 dakong alas-6:20 ng umaga.
Nang hanapan ng kaukulang dokumento ang suspek sa pag-iingat at pagdadala sa labas ng bahay ng naturang armas, walang maipakita si ‘Wilfredo’ kaya agad siyang inaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 13 at kinumpiska ang baril na kargado ng dalawang bala sa chamber.
Sinabi ni Col. Canals, mahigpit ang kanyang direktiba sa kanyang mga tauhan ang pagsasagawa, hindi lamang ng checkpoints sa mga istratehikong lugar kundi ang magdamagang anti-criminality foot patrol upang matiyak ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupang lugar,
Sasampahan ng mga tauhan ng SS13 ang suspek ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) at paglabag sa Omnibus Election Code sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Ads March 24, 2021
-
Rome Statute, hindi kailanman umiral sa Pinas- Pangulong Duterte
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nailathala sa Official Gazette ang ginawang paglagda ng Pilipinas sa Rome Statute, nagtatag sa International Criminal Court (ICC), kaya’t maituturing na hindi ito kailanman umiral sa bansa. “The executive department has no copy. That’s because what happened was from Congress — Congress ratified it — instead […]
-
Ads May 13, 2022