• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister na wanted sa multiple heinous crimes sa Valenzuela, tiklo

LAGLAG sa selda ang isang lalaki na wanted sa multiple heinous crimes matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Paso De Blas ang 40-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod.

 

Bumuo ng team ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police, kasama ang Northern NCR Maritime Police Station saka ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-10:40 ng umaga sa Bonifacio Compound, Paso De Blas.

 

Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, noong December 13, 2024, para sa kasong Statutory Rape under Article 266-A, paragraph 1(D) of the Revised Penal Code (RPC), as amended by R.A. 11648 in relation to Section 5(b) of R.A. 7610, at Acts of Lasciviousness (4 counts) na walang inirekomendang piyansa.

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang walang sawang pagsisikap ng Valenzuela police at ng mga opisyal na sangkot sa operasyon.

 

“The NPD remains committed to fostering safer neighborhoods in the CAMANAVA area. Guided by the principles of transparency, professionalism, and public trust, we will continue our relentless campaign to maintain peace and order,” pahayag niya.

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

 

 

 

 

(Richard Mesa)

Other News
  • Sobrang na-touch dahil sa pa-block screening: ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, blockbuster at balitang naka-368 million na

    SUPER-TOUCHED sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pa-block screening ng mga may-ari ng Nailandia nail spa and salon ng pelikula nilang ‘Rewind’.   Bukod kasi sa endorser si Marian ng Nailandia sa halos mahigit sampung taon na ay hindi na matatawaran ang pagkakaibigan nina Marian at Nailandia owner Noreen Divina.   Kaya naman as […]

  • Ads February 21, 2020

  • JBIC, hangad ang partnership sa energy sector ng Pinas, nagpahayag ng interest sa Maharlika fund

    HANGAD ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na makatuwang  ang mga kompanya ng Pilipinas pagdating sa energy development .     Nagpahayag din ang JBIC ng interest sa  newly-passed Maharlika Investment Fund (MIF).     Nagpahayag ng interest ang JBIC para sa  energy tie-ups sa kompanya ng Pilipinas sa isinagawang courtesy call ni JBIC […]