Mister na wanted sa multiple heinous crimes sa Valenzuela, tiklo
- Published on December 20, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang isang lalaki na wanted sa multiple heinous crimes matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Paso De Blas ang 40-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod.
Bumuo ng team ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela poliuce, kasama ang Northern NCR Maritime Police Station saka ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-10:40 ng umaga sa Bonifacio Compound, Paso De Blas.
Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, noong December 13, 2024, para sa kasong Statutory Rape under Article 266-A, paragraph 1(D) of the Revised Penal Code (RPC), as amended by R.A. 11648 in relation to Section 5(b) of R.A. 7610, at Acts of Lasciviousness (4 counts) na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang walang sawang pagsisikap ng Valenzuela police at ng mga opisyal na sangkot sa operasyon.
“The NPD remains committed to fostering safer neighborhoods in the CAMANAVA area. Guided by the principles of transparency, professionalism, and public trust, we will continue our relentless campaign to maintain peace and order,” pahayag niya.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
-
VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19
Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19. Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security. “I was all set […]
-
MANILA HEALTH WORKERS, BUWIS-BUHAY PERO…
KUMPARA sa ibang siyudad at munisipalidad sa bansa, hindi nabibigyan ng tamang kalinga at malasakit aqng mga barangay health workers ng Maynila. “Naririnig natin, maayos daw ang honorarium at benefits ng health workers natin, pero kabaligtaran ito. Hindi siya nabibigyang halaga ng city government, pati ang ating mga barangay tanod na palaging nakaumang […]
-
WHO, kinilala ang magandang vaccination rollout ng Taguig City
Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang lungsod ng Taguig dahil sa kasanayan nila sa vaccination rollout. Nakapagbakuna kasi ang Taguig City ng 4,000 katao sa loob ng isang araw. Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na naging detalyado sa pagpaplano at execution ang city government ng Taguig sa […]