• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister nabuhusan ng natutunaw na bakal, patay

TODAS ang isang 45-anyos na mister matapos aksidenteng mabuhusan ng natutunaw na bakal sa kanyang pinagtatrabahuan sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang nasawing biktima na si Edgardo Obzunar, 45, scrap charger at residente ng CF Natividad St. Mapulang Lupa, Valenzuela city.

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa Furnice 5 Area, 8th MGM Industrial Compound na matatagpuan sa No. 1420 Mindanao Avenue, Brgy. 166, Kaybiga, Caloocan city.

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Carlo Riego, 24, crane operator, nagtatrabaho sila sa naturang lugar nang makarinig siya ng ingay mula sa lugar kung saan nagtatrabaho ang biktima.

 

Nang tingnan ng saksi, nakita nito ang biktima na nabuhusan ng natutunaw na bakal ang katawan na naging dahilan upang pagtulungan nila, kasama ang kanilang mga katrabaho na buhusan ng tubig si Obzunar.

 

Gayunman, hindi na naisalba ang biktima at namatay din ito dahil sa mga tinamong sunog sa kanyang katawan kaya’t ipinaalam na lamang ang insidente sa pulisya. (Richard Mesa)

Other News
  • PDEA: ‘HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NA NAKATAGO PA SA EVIDENCE VAULT, NASA P14-B PA’

    PUMAPATAK pa umano sa mahigit P14-bilyong halaga ng iligal na droga ang nasa kasalukuyang pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).   Sa panayam kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling inventory, umaabot na lamang sa nasabing halaga ang hawak nilang ipinagbabawal na gamot, mula sa lampas P22-bilyon.   Paglalahad […]

  • Story by Geraldine Monzon Art by Dhan Lorica

    Hindi nagtagumpay si Roden na maisakatuparan ang nais niyang gawin kay Angela nang magising ito at muling maghisterical. Nagtatakbo si Angela patungo sa dalampasigan habang patuloy na isinisigaw ang pangalan ng kanyang anak. Subalit naabutan siya ni Roden at mariing hinawakan sa braso para ibalik sa bahay.   “ANGELAAAA!” ubod lakas na sigaw ni Bernard. […]

  • Bong Go: Sakit sa puso ‘top killer’ sa Pinas kaya mahalaga ang RSC, SHC

    BINIGYANG DIIN ni Se­nator Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng Republic Act No. 11959, kilala rin bilang “Regional Specialty Cen­ters Act”, bilang tugon sa nakababahalang istatistika na ang sakit sa puso ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.     Pangunahing itinagu­yod ni Go at isa sa mga may-akda sa Senado, ang batas ay […]