• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister timbog sa P47K shabu sa Valenzuela

ISANG mister na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilalan ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Rogelio Rivera alyas “Doro”, 47 ng 3034 Urrutia St., Brgy. Gen T. de Leon.

 

 

Sa ulat ni PSSg Ana Liza Antonio, may hawak kaso, kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa Urrutia Street kung saan nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Franciz Cuaresma na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek ng P500 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.

 

 

Narekober sa suspek ang humigit-kumulang sa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, buy-bust money, P300 cash, coin purse at cellphone.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Groundbreaking ng Proyektong Kakaiba sa Valenzuela, pinangunahan ni WES

    ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreak ng ilang Proyektong Kakaiba, katulad ng New Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) – Multi-level Parking Building, New Annex Building, Rehabilitation ng Main Building na matatagpuan sa Brgy. Dalandanan, at ang New and Improved Valenzuela City Central Kitchen (NIVCCK) sa Brgy. Malinta, […]

  • Fernando, nilinaw ang usapin sa NFEx

    LUNGSOD NG MALOLOS– “Saan man at kailanman, wala sa pagkatao ni Daniel Fernando ang magbebenta ng karapatan ng kaniyang kalalawigan, lalo na nang maliliit at walang tinig sa lipunan.”     Ito ang binitawang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na Joint Forum with Selected Legislators and Executives of the Provincial Government of […]

  • Ads October 31, 2024