• March 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos Jr., bago ang inagurasyon, wala pang iskedyul-Andanar

WALA pang naitatakdang araw at petsa sa meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presumptive president Ferdinand Marcos Jr.

 

 

“Wala pang sinasabi sa amin. We will wait for further announcement,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) at acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar.

 

 

“I don’t have information on that and we could know more after the Cabinet meeting next week,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Gayundin, sinabi ni Andanar na tikom ang bibig ni Pangulong Duterte sa kung sino ang napipisil ni Marcos Jr., sa magiging miyembro ng gabinete nito.

 

 

Sa ngayon, pinangalanan ni Marcos Jr. sina dating spokesperson at Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Secretary, dating Aquino administration National Economic Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na bumalik sa dati nitong posisyon, Cavite lawmaker Jesus Crispin Remulla bilang Justice Secretary, dating Labor Undersecretary Susan Ople bilang Kalihim ng Department of Migrant Workers at Bienvenido Laguesma bilang Labor chief.

 

 

“Walang binanggit ang pangulo on the choices of the presumptive president,” ani Andanar.

 

 

Matatandaang, noong Nobyembre 2021, tinawag ni Pangulong Duterte si Marcos Jr. bilang “weak leader and a spoiled child” na walang accomplishment sa kanyang pangalan.

 

 

Subalit, tatlong araw bago ang halalan, bigla na lamang nagbigay ng “kind words” si Pangulong Duterte kay Marcos Jr. at namuhay ng simpleng buhay si Marcos Jr., kahit may pagdududa hinggil sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

 

 

Magtatapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30. (Daris Jose)

Other News
  • 2 RIDER, PATAY SA TRAILER TRUCK

    NASAWI ang dalawang rider nang mabangga ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.     Kinilala angĀ  mga biktima na si Jake Tiburania,nasa hustong gulang ng 14 San Vicente St., Pineda, Pasig City at backride na si Brix Deuna Urot, nasa hustong gulang at nakatira sa 0009 Sitio […]

  • 3 drug suspects arestado sa P1M shabu

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1- milyon halaga ng shabu sa tatlong sangkot sa droga, kabilang ang No. 1 sa top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities, Martes ng gabi.   Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong […]

  • P18 bilyong piso, nawawala kada araw – Malakanyang

    HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region. Ito’y sa kabila ng wala pa namang pasiya sa kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, […]