• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mixed emotions ang naramdaman nang mag-taping na: MARIAN, biniro pa ni GABBY kung sigurado na sa kanilang pagtatambal

NGAYONG Friday, July 14, ang simula ng 5th anniversary presentation ng “Amazing Earth PH” na magpapasimula ng GMA Best WKND Ever.  

 

 

Simula kasi iyon ng pagbabago ng schedules tuwing weekend ng mga GMA shows.  Mapapanood muna si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, sa mystery action series na “Royal Blood,” at pagkatapos mapapanood na siya hosting “Amazing Earth”.

 

 

Sa zoom interview kay Dingdong, naniniwala siyang mag-i-enjoy ang mga viewers ng show, even the kids, dahil pwede silang magpuyat dahil kinabukasan ay wala silang classes.

 

 

Marami naman silang mapapanood sa “Amazing Earth” na matututunan since mga bagong episodes naman ang kanilang ipalalabas, at 9:35 p.m.

 

 

Sa sunud-sunod bang projects na ginagawa ni Dingdong, may time pa siyang maka-bonding ang mga anak na sina Zia at Sixto?

 

 

“Yes, kahit busy sa work, may nakalaan kaming time ni Marian para sa kanila,” sagot ni Dingdong.

 

 

“Like kapag nagbo-voice over ako ng mga ipinalalabas kong episodes, na ginagawa ko sa bahay namin, kasama ko sila. Nakikipanood sila at minsan nagko-comment pa, lalo si Zia na nakakaintindi na ng ginagawa ko.  Kaya kung minsan may naririnig na boses ng bata sa voice over ko.”

 

 

Nagbigay pa si Dingdong ng ilang pwedeng mapanood sa mga coming episodes ng show. Isa raw dito ang paggi-guest ng love team nina Sofia Pablo at allen Ansay, na sumamang mag-clean-up ng Pasig River.

 

 

Dream din ni Dingdong na makapag-shoot siya (with Marian) ng isang episode ng “Amazing Earth,” na kukunan sa South Africa or Iceland.

 

 

                                                            ***

 

 

KAHIT pala si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay back-to-work na rin.  Last Tuesday, July 11, nagsimula na siyang mag-taping.

 

 

Sa ‘Chika Minute’ ipinakita si Marian na nagti-taping na, kasama ang gumaganap niyang anak, si Raphael Landicho.

 

 

“Mixed emotions ang naramdaman ko nang nasa set na ako,” sabi ni Marian.  “Biniro pa ako ni Gabby kung sigurado na raw ba ako na tuloy na ang pagtatambal namin.  Sabi ko, “yes, tuloy na tuloy na tayo.’

 

 

“Bukod sa teleserye, magsisimula na rin kaming mag-shooting ni Dong ng comeback movie namin, ang ‘Rewind’ na pasado nang entry sa coming Metro Manila Film Festival this December.”

 

 

Tuloy pa rin si Marian na mag-host ng OFW documentary na “Tadhana” na napapanood every Saturday, 3:20 pm sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

NAMI-MAINTAIN ng “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. ang kanilang daily rating.

 

 

May mga nagsabing tiyak daw nagugustuhan ng mga viewers ang segment ng show na “G sa Gedli,” hosted by former Manila Mayor Isko Moreno kasama si Buboy Villar or si Betong Sumaya, na nagbibigay ng tulong at saya sa mga personal nilang kinakausap na mga ‘people on the street.”

 

 

Isa nga sa nakausap nila ay ang kambal na may kapansanan, sina Jaylo at Jaymar, sa Valenzuela City, na nagbabantay sa maliit nilang tindahan ng bulaklak, kandila at iba pa, habang wala ang mga magulang nila.  Malapit sa cemetery ang lugar nila.

 

 

Si Jaylo ay Grade 7 na pero si Jaymar ay Grade 4 pa lamang,  Hindi nakakalakad si Jaymar kaya binubuhat siya ng ama para makapasok sa school.  Dream ni Jaymar na maging isang engineer.  Binigyan ni Yorme si Jaylo ng pera pambili ng wheel chair ni Jaymar at dagdag na puhunan ng tindahan nila.

 

 

Ayon kay Jaymar gusto niyang maging isang engineer para mapatayuan niya ng bahay ang parents nila.  Doon na tumulo ang luha nina Yorme at Betong, ganoon din ang mga hosts at manonood sa APT Studio.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads August 31, 2024

  • METAL BARRIER o BODY SHIELD, KAILANGAN PA BA KUNG ang MAGKA-ANGKAS sa MOTORSIKLO ay MAG-ASAWA o NAGSASAMA?

    Yan ang tanong ng marami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa IATF, mukhang ito ang ipatutupad nila para payagan ang angkasan sa panahon ng GCQ. Maski sinasabi pa ng mga eksperto, mga mambabatas at ilang lokal na opisyal, na hindi na kailangan ang barrier sa pagitan ng dalawang magka-angkas sa motor […]

  • Hidilyn Diaz mas nakatuon ang atensyon sa SEA Games at Asian Games

    Nakatuon na lamang ngayon ang atensiyon ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz sa pagdepensa ng kaniyang titulo sa SouthEast Asian Games (SEA Games) at Asian Games 2022     Ito ay matapos na umatras siya sa 2021 World Weightlifting Championships na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan mula Disyembre 7-17.     Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas […]