• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Mixing and matching” ng bakuna laban sa Covid-19, pinag-aaralan pa- Malakanyang

HANGGANG sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang posibilidad na paggamit ng isang tao na magkaibang brand ng bakuna laban sa covid 19 para sa kanyng 1st dose at 2nd dose.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang ngayon ay wala pa ring konklusyon ang mga dalubhasa sa usaping ito.

 

“Specifically, dahil ang tanong mo is from inactivated to MRNI ‘no, so pinag-aaralan po iyan pero may—well I’m not a dalubhasa. Perhaps si Father (Austriaco) can share his views being a molecular biologist. Iyong different platform, Doc.,” ani Sec.Roque.

 

Para naman kay Dr. Fr. Nicanor Robles Austriaco, Jr. OP molecular biologist and Catholic priest na may nagaganap na aniyang clinical trials sa buong mundo sa usaping pagsasama ng magkaibang brand ng bakuna sa 1st at 2nd dose.

 

“There are mixing and matching – both inactivated virus with MRNA vaccines or vice versa or adenovirus and MRNA vaccines. The initial data from the United Kingdom shows that when you mix and match two doses, the side effects are actually more challenging after the second dose than if the both doses are the same—from the same brand,” aniya pa rin.

 

Sa ngayon ay hinihintay pa anila ang data para sa immune response ng “mixed dosing strategy”.

 

 

“It’s expected to be published in the next two or three weeks,” ayon kay Austriaco. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Marawi City, babangon sa ilalim ng termino ni PDu30

    “Ang pangako ni President babangon muli ang Marawi sa kanyang termino. The target can be met.”   Ito ang tiniyak ng Malakanyang matapos na mawasak ang Marawi City noong 2017 nang magkaroon ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute terrorist group.   Muli itong ibabangon ng Pangulo sa ilalim ng kanyang termino. […]

  • PAGMAMAHAL SA MAGULANG, SUSI SA PAGKAKAROON NG MAGINHAWANG BUHAY

    MAHALIN, IGALANG AT ALAGAAN ANG IYONG MGA MAGULANG KUNG NAIS MONG GUMINHAWA AT LUMAWIG ANG BUHAY!   Iyan ang pangako ng Diyos na mababasa sa aklat ng Mga Taga-Efeso 6:1-3   Sabi nga ng ilan, maging maramot ka na sa iba, huwag lang sa iyong magulang.   Isa iyan sa hiwaga ng buhay. Kapag minahal mo […]

  • PCOO, nakiisa sa Filipino-Chinese community sa bansa na nagdiwang ng Chinese New Year

    NAGPAABOT ng pagbati ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nakiisa sa pagdiriwang ngayon ng Filipino-Chinese community ng kanilang Chinese New year.   “Happy Lunar New Year, Xīnnián kuàilè to everyone!,” ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar.   Ani Andanar ang taong 2020 ay naging isang mapaghamong taon sa maraming paraan para sa lahat at […]