• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM, maaaring bumaba sa Alert Level 3- Abalos

MAAARING lumuwag ang quarantine status sa Kalakhang Maynila matapos ng pilot implementation ng Alert Level 4 kapag ang indikasyon ng Covid 19 ay nagpakita ng “improvement”.

 

Umaasa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na magiging mas maayos ang situwasyon sa Kalakhang Maynila sa pangalawang linggo ng implementasyon ng Alert Level 4, na nakatakdang matapos sa Setyembre 30.

 

Ang 5-tier new virus response strategy ay ikinasa sa virus hotspot capital region at sinamahan pa ng granular lockdowns sa infection clusters, sa halip na i-lockdown ang buong lungsod o mga rehiyon.

 

“’Yung reproduction rate, ito mismo galing sa OCTA, from a high of 1.90 nung August 8, bumaba nun Sept. 4 ng 1.39, 1.03 nung Sept 22. Nakikita natin ‘yung pababa po nito. Maski ‘yung growth rate ng 1 week nag-negative na nga rin kaya maganda po ang indikasyon.

 

Sana po by the end of the one week pa mag-alert level 3 na po ang Metro Manila,” ayon kay Abalos.

 

Araw ng Biyernes nang ipalabas ng Malakanyan ang inamiyendahang guidelines sa pilot implementation ng Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila.

 

MAy ilang amendments ang magti-take effect simula Oktubre 1 kung dapat na ang Metro Manila ay manatili sa ilalim ng Alert Level 4.

 

“Ang nangyari po ngayon apat lang halos na negosyo ang bukas. Ang restaurants natin na may 10 percent sa loob at 30 percent sa outdoor, ating mga barberya, hair spa, nail salon at saka simbahan. Kung mag-a-alert level 3, halos lahat po 30 percent na ng capacity. Madadagdagan pa ang ating negosyo,” an pahayag ni Abalos.

 

Sinabi pa ng MMDA chief na mahirap na i-calibrate ang kalusugan at ang ekonomiya.

 

“Sa basehan na nakikita natin ngayon, sana naman, tingin ko kaya na nating mag-alert level 3 by the end of the week. ‘Yun ang pinagtatrabahuhan natin lahat ngayon,” aniya pa rin.

 

Samantala, naniniwala naman si Abalos na ang pagpapahusay sa COVID-19 indicators ay hindi lamang sa kung ano ang epekto ng granular lockdowns sa iba’t ibang lugar kundi resulta ng nagdaang implementasyon ng stricter quarantine measures at mas maraming taong nabakunahan laban sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 2, 2024

  • 2 babae na miyembro ng ‘Anakbayan’ sumuko sa Valenzuela police

    KUSANG loob na sumuko sa pulisya at nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang babaing miyembro ng makakaliwang grupong ‘Anakbayan’ sa Valenzuela City.     “Pinangakuan po kami ng pabahay at financial, pero wala naman pong natupad. Puyat, pagod, at gutom lang po ang nakuha namin,” magkasabay na pahayag nina alyas “Anie”, 23, at alyas “Reylin”, 25, […]

  • SIM registration deadline hanggang July 25… KUYA KIM at KIRAY, na-experience din na mabiktima ng ‘hacking’

    ILANG araw na lang at sasapit na ang deadline sa Hulyo 25, kaya naman naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa mga consumer na sumunod sa ‘SIM Registration Act’ upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago sa online.     Sa “Number Mo, Identity Mo” campaign, ang online […]