• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM mayors nagkasundo na huwag nang gawing mandatory ang face shield – Abalos

Nagkasundo na ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na gawin na lamang optional ang pagsusuot ng face shields, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Abalos na sa mga ospital, health centers, at public transportation na lamang nais ng mga Metro Manila mayors gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields.

 

 

Kaya naman iginiit ni Abalos na suportado nila ang mungkahi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na huwag nang obligahin ang mga tao sa pagsusuot ng face shields sa ilang lugar.

 

 

Ngayong araw, sinimulan na ng Manila City government ang hindi pag-oobliga sa mga papasok sa lungsod nang pagsuot ng face shield base na rin sa ilalim ng executive order na inilabas at nilagdaan ni Mayor Isko Moreno.

 

 

Nakasaad sa naturang kautusan na mananatili namang mandatory ang pagsuot ng face shield sa hospital settings, medical clinics, at iba pang medical facilities.

 

 

Tinukoy ng alkalde ang paglalagay sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 2 at mga ulat na karamihan sa mga miyembro ng IATF ang nais nang ibasura ang kautusan sa pagsusuot ng face shield. (Daris Jose)

Other News
  • P4.5 trilyon 2021 national budget pasado na sa Senado

    Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang P4.5 trilyon national budget para sa susunod na taon.   Bumoto ang 24 sena­dor pabor sa 2021 Gene­ral Appropriations Bill (GAB).   Tanging sina Sen. Leila de Lima na nana­natiling nakakulong at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nagpositibo sa COVID-19 ang hindi naka­boto […]

  • ZACHARY LEVI RETURNS AS “SHAZAM!” IN THE EPIC SEQUEL “FURY OF THE GODS”

    THE all-new epic adventure “Shazam! Fury of the Gods” marks the supercharged return of Zachary Levi as Shazam, the irreverent yet sincere, wise-cracking teen-turned-DC Super Hero who—along with his Shazamily—must harness their extraordinary superpowers to face off against the Daughters of Atlas.      This trio of fierce Greek goddesses and their monsters will stop […]

  • Barangay employees, kasali na sa ‘Pambansang Pabahay’

    PASOK  na rin ang mga empleyado ng barangay sa mga benepisyaryo ng programang pabahay ng pamahalaan. Batay ito sa probisyon ng isang memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan kamakailan nina Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar at Interior Secretary Benhur Abalos. Base sa kasunduan, magtatayo ng housing units para sa mga mahihirap […]