• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR

NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System.

 

Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko ang nararanasan sa naturang oras, iginiit ng MMDA na ang mga drayber ay posibleng pagod o inaantok.

 

Noong 2019, naitala ng MMDA ang 8,593 road accidents simula 1:00 a.m. hanggang 5:00 a.m. kung saan 111 dito ang nasawi.

 

Iginiit din ng MMDA na ang 33 namamatay ay nasa pagitan ng oras ng 1 a.m. at 2 a.m.

 

Sa datos naman ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), 90% of road accidents were due to ng aksidente sa daan ay dahil sa human error.

 

Samantala, isinusulong ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang panukala upang maglagay ng dashboard camera, closed circuit television (CCTV), at global positioning system (GPS) sa lahat ng pampublikong transportasyon.

 

Sa House Bill 3341 ni Herrera, inoobliga ang mga public utility vehicles (PUVs) at Transportation Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng GRAB na maglagay ng dashboard cameras, CCTV at GPS bilang pagtugon sa standard safety equipment para mapangalagaan ang riding public.

 

Tinukoy ni Herrera ang maraming insidente at krimen na kinasangkutan ng mga pampublikong sasakyan tulad ng pagnanakaw, kidnapping, rape, sexual assault, harassment at murder.

 

Naniniwala ang kongresista na sa paglalagay ng mga safety equipment ay magagarantiya ang kaligtasan ng mga mananakay gayundin ang mga pedestrian at motorista.

 

Malaking tulong ang mga instrumentong ito para mai-dokumento at mai-record ang mga insidente na kinasangkutan sa kalsada gayundin sa loob ng sasakyan.

 

Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng special loaning program kung saan maaaring pautangin ang mga public transport operators at companies para makabili ng mga nabanggit na safety devices. (Ara Romero)

Other News
  • TABLET NA BINIGAY NG QC GOVERNMENT BUKING NA GINAGAMIT SA ONLINE SUGAL

    PINAIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City government kung paano nagagamit sa online sabong ang mga tablet na ipinamigay ng lokal na pamahalaan.     Dismayado ngayon si QC Mayor Joy Belmonte dahil ayon sa kanya ay  inilaan sa pag-aaral ang mga ito ngunit napupunta sa sugal. Para umano sa mga bata ito at dapat manatili na gamitin para lamang […]

  • Pacquiao tutulak na sa Amerika

    Tutulak na pa-Amerika si eight-division world champion Manny Pacquiao sa susunod na linggo upang ipagpatuloy ang pukpukang ensayo sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.     Nakatakdang umalis si Pacquiao sa Hulyo 3 para makasama sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune sa training camp doon.     […]

  • Sa pagtulong sa mga nangangailangan, walang politika- in helping the needy – DSWD

    NANINDIGAN si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang halong politika sa pagtulong ng departamento sa mga nangangailangan o humihingi ng tulong.     Sinabi ni Gatchalian na tumutulong sila sa mga nangangailangan kahit mayroon o walang referral mula sa mga politiko.   “Every day naman kahit walang referral ‘pag […]