• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: C-5 “deadliest road”

SA loob ng tatlong magkakasunod na taon, ang Circumferential Road (C5) ang naitalang “deadliest road” sa Metropolis ayon sa nalikom na numbers ng fatal accidents na naitala ng Metropolitan Manila Authority (MMDA).

 

Ayon sa datos mula sa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System report ng MMDA, ang C5 ay nangunguna sa listahan na may 31 fatalities mula sa vehicular accidents noong 2019, 27 noong 2018 at 23 noong 2017.

 

“C5 became Metro Manila’s deadliest road because of its and roads and conditions as well as the presence of trucks and motorcycles along the narrow highway,” wika ng MMDA. Ang C5 ay may habang 32.5 kilometers na bumabaybay mula sa Valenzuela, Quezon City, Pasig, Makati, Taguig, Pasay, Parañaque, at Las Pinas.

 

Samatalang ang Commonwealth Avenue sa Quezon City na tinawag na “killer highway” ay pumapangalawa na may 23 fatal road crashes hanggang 10 na patay noong 2018 at 17 naman noong 2017.

 

Ang 12.4 kilometer na Commonwealth Avenue ay nagtala ng pinakamataas na number ng aksidente dahil sa overspeeding ayon sa MMDA.

 

“Commonwealth Avenue registered fewer deaths than C5 because it is the country’s widest highway,” wika ni MMDA traffic chief Bong Nebrija.

 

Habang ang EDSA naman ay naitalang ikatlong deadliest road na may 19 fatalities mula sa vehicular mishaps noong 2019. Mas mababa ito kumpara sa 21 na deaths noong 2018 at 19 noong 2017.

 

Ang Radial Road 10 sa Navotas ay nasa ika-apat sa naitalang deadliest road na may 13 fatalities noong 2019 na mas mataas ng 8 deaths noong 2018. Habang ang MacArthur Highway sa Valenzuela ay may 10 fatalities noong 2019. Naitala naman ang EDSA na mas pinaka-accident-prone na highway sa Metropolis ng ikatlong beses hanggang 2019 na may kabuoang 17,382 na road crashes mula sa fatal at non-fatal na siyang dahilan ng injuries at damage sa properties.

 

Sinabi rin ng MMDA na may 17,276 na vehicular accidents ang nangyari sa EDSA noong 2018 kung saan mas mataas ito kumpara noong 2017 na may 12,635 lamang na aksidente.

 

Ang C5 naman ay ikadalawa sa may mataas na bilang ng road crashes na naitalang 8,735 noong 2019 mula sa 8,252 noong 2018 kasunod ang Commonwealth Avenue na may 4,998 noong 2019. Samantalang ang Ortigas Avenue naman ay may naitalang 2,922 na accidents kasunod ang Miindanao Avenue sa Quezon Ctiy na may 2,896; Roxas Boulevard na may 2,737 at Quezon Avenue na may 2,635 noong 2019. (LASACMAR)

Other News
  • TWG, binuo para sa mga panukalang pag-regulate ng motorcyles-for-hire

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Transportation ang pagbuo ng isang technical working group na mag-iisa sa mga probisyon ng House Bills 128, 360, 781, 1668, 2733, 3412, 4327, 4470 at 6098 na magre-regulate sa operasyon ng mga motorcycles-for-hire.     Inihain ang mga ito nina Reps. Rachel Marguerite Del Mar, Maria Angela Garcia, Antonio ‘Tonypet’ […]

  • 83 milyong pa lang ng SIM cards ang narerehistro

    INIULAT ng National Telecommunications Commission (NTC) na umaabot pa lamang sa halos 83 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa ilalim ng SIM Card Registration Act.     Ito ay ilang araw na lamang bago ang deadline ng rehistro sa Abril 26, 2023.     Hanggang nitong Abril 23, 2023, nasa 82,845,397 na […]

  • Magna Carta on Religious Freedom Act, pasado na sa Kamara

    LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang Magna Carta on Religious Freedom Act (House Bill6492) na nagbabawal sa pamahalaan o sinuman na pahirapan, bawasan, hadlangan o panghimasukan ang karapatan ng isang tao na ihayag o ipakita ang kanyang religious belief o paniniwala, maliban na lamang kung magreresulta ito sa karahasan o […]