• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Countdown timers pinalitan ng sensor-based traffic lights  

INAALIS   ng   Metropolitan   Manila   Development   Authority  (MMDA)  ang   mga countdown times at pinalitan ng sensor-based traffic lights sa mga piling intersections sa

Metro Manila.

Pinalitan ang 96 na countdown timers sa mga signalized intersections ng sensor-

based traffic lights na siyang magbibigay ng signal kung ang mga sasakyan ay kailangan ng mag-cross ng daan.

Ang nasabing proyekto ay bahagi pa ng 2012 na adaptive signaling system na

ginawa ng MMDA.

“Sensor-based traffic lights are said to adjust depending on the volume of vehicles on the road, especially at night,” wika ng MMDA.

Sinusukat nito ang volume ng trapiko lalo na sa gabi. Kung ang isang lane ay

walang dumadaan at kahit naka program ito ng 1 minute, ang gagawin ng sensor-based traffic light ay paiigsiin ito ng 30 segundo na lamang at ililipat sa mga lansangan na may mataas na volume ng sasakyan.

“The lights are measuring the volume of traffic, especially at night. For example,

Lane A has no more cars. Even if its was programmed initially for 1 minute, it will then be cut short to 30 seconds and will be transferred to the lane that needed it more because of the volume,” saad ng MMDA.

Ang 5 warning na blinks na may kasunod na 3 segundo na yellow at ang huli ay red

ay tamang-tama lamang na makapag -adjust ang mga motorista sa mga signals at ng malaman na rin nila na dapat na silang mag slow-down. Sa ganon, di na sila mag beat ng red light.

“I think the warning of 5 blinks and 3 seconds of yellow and red is sufficient enough to allow our motorists to adjust and know when they need to slow down, right? So that they will not beat the red light,” dagdag ni MMDA chairman Romando Artes.

Ang ibang mga motorista ay mas gusto pa rin ang countdown timers dahil ayon sa kanila ay nakaka-alanganin dahil iniisip na green pa rin. Subalit, pagtingin nila ay biglang dilaw na ang traffic light. Ayon sa mga motorista na mabilis talaga ang yellow kasunod agad ang red.

Samantala, sa isang report ng MMDA, ang mga kable ng ng mga cameras na

ginagamit sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) ay ninakaw sa may Guadalupe, Makati.

Nalaman na lamang noong nakaraang Linggo ng hindi na gumagana ang CCTV.

May 8 CCTV cameras na nawalan ng mga kable. Binebenta ng mga magnanakaw sa mga junk shops ang mga kable na dahil ito ay gawa sa fiber optics.

Sa   ngayon   ay   lalagyan   na   ng   MMDA   ng   harang   ang   mga   cameras   upang maprotektahan ito sa mga magnanakaw. Binalaan ng MMDA na kung sila ay mahuli ay papatawan sila ng hindi lang penalty kasama na rin ang pagkakulong.

“We will put a barrier to protect the cameras. Remember, if you steal or destroy property, you will face a penalty, and we will make sure that you will be prosecuted,” sabi ni Artes.

Ayon sa MMDA, nang magkaroon ng re-implementation ng NCAP, ang mga bilang

nga   aksidente   sa   kahabaan   ng   EDSA   ay   bumaba   ng   18   porsiento   habang   ang Commonwealth Avenue naman ay may naitalang pagbaba ng 30 porsiyento. LASACMAR