MMDA: Implementasyon ng Single Ticketing system matagumpay
- Published on May 10, 2023
- by @peoplesbalita
ANG PILOT run ng single ticketing system para sa mga traffic violations sa Metro Manila ay naging matagumpay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
“The first three days of the single ticketing system’s implementation, which started on May 2 in Muntinlupa, San Juan, Valenzuela, Paranaque and Quezon City had been generally successful,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.
Ang sistema ay nagpapatupad ng uniform set ng mga multa sa mga nahuling motorist ana lumalabag sa batas trapiko sa Metro Manila.
“No major issues, concerns or complaints have been reported. Our focus now is on some adjustments that must be made in the coming days. So far, we are doing good,” saad ni Artes.
Nagkaron lamang ng glitches sa mga traffic enforcers na hindi pa familiar sa technology na ginagamit sa single ticketing system. Ito ang naging pahayag ng MMDA at ng policy making body, ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng 17 mayors ganon din ang obserbasyon ng Land Transportation Office (LTO).
Isa sa mga glitches ay ang uploading ng information sa mga violations, access sa portal at activation ng online payment systems.
Ayon kay Artes ang mga traffic enforcers sa Metro Manila ay muling isasailalim sa training ng paggamit ng handheld devices para sa pagbibigay ng traffic violation tickets.
“We admit that not all enforcers are techies, so there is a need to train them. One of our observations is the incorrect input of names so they don’t match LTO data,” dagdag ni Artes.
Bumili ang MMDA ng 510 handheld devices na pinabigay sa mga traffic enforcers sa limang lungsod ng Metro Manila na lumahok sa pilot testing ng sistema. Sinabi ni Artes na ang mga devices ay gagawing customized depende sa mga rules ng bawat isang lokal na pamahalaan lalo na ang imposing ng multa sa late payment ng multa.
Umaasa si Artes na ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay ipapatupad ang single ticketing system sa darating na third quarter ng taon. LASACMAR
-
Plunder at graft, isinampa vs Bantag
LALO pang nadagdagan ang mga kasong kinakaharap ni dating Bureau of Corrections (BuCor) head Gerald Bantag makaraang sampahan siya ng mga kasong plunder at graft sa Department of Justice (DOJ) kahapon. Si BuCor acting director Gregorio Catapang Jr. ang naghain ng mga kaso laban kay Bantag. Kabilang dito ang 11 kaso ng “malversation […]
-
RICHARD YAP, NAG-OBER DA BAKOD NA SA KAPUSO NETWORK
Officially, isa nang ganap na Kapuso ang actor, singer, model, content creator, and businessman na si Richard Yap, matapos niyang pumirma ng management contract sa GMA Artist Center (GMAAC) last Wednesday, December 16. Sa contract signing, inihayag ni Richard ang kanyang pasasalamat sa warm welcome sa kanya ng GMA. “I’m actually quite overwhelmed as […]
-
MARICEL, aminadong kinabahan at nag-worry na baka walang manood sa first episode ng YouTube vlog
NAENGGANYO na rin ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na maging YouTube vlogger na kung saan na in-upload na ang kanyang first episode last Friday, September 10. Ang kanyang YT channel ay ‘Marya The Maricel Soriano Channel.’ Pag-amin ni Marya, ni-nerbyos siya dahil baka wala raw manood sa kanyang […]